Nikki Valdez wasak na wasak ang puso sa pagpanaw ng alagang Chihuahua: ‘My boy Travis has gone to doggie heaven’
IPINAGLULUKSA ngayon ng Kapamilya actress na si Nikki Valdez ang pagpanaw ng alaga nilang aso kamakailan.
Ibinahagi ni Nikki ang malungkot na balita sa kanyang mga tagasuporta sa pamamagitan ng kanyang social media account.
Kalakip ang mga litrato ng alagang Chihuahua na si Travis, nagpaalam si Nikki sa 10 taong gulang niyang pet dog na namatay daw last August 12.
“One of my most dreaded days has come — my boy Travis has gone to doggie heaven,” simulang mensahe ng aktres para kay Travis.
“My heart is in immense pain and sadness right now but I take comfort knowing that you are now pain free, my love.
View this post on Instagram
“Travis is one of my 2 senior dogs and I could only be thankful for the unconditional love our pets give us,” aniya pa.
Nagpasalamat din si Nikki kay Travis dahil sa 10 taon nilang pagsasama na punumpuno ng pagmamahal. Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang lahat ng magaganda at masayang bonding moments nila together.
“I hope you felt how much we truly are thankful for you. Moomay, Dada, Manang OY and Nonna will miss you so much.
Baka Bet Mo: Nikki Valdez, mister nahawa na rin: COVID is real but so is our God who is our Divine healer…
“Run free in beautiful Rainbow Bridge, my love. Till then,” aniya pa.
Bukod kay Travis, may isa pang alagang Chihuahua si Nikki na nagngangalang Trevor.
Noong 2021, ipinakilala ng celebrity mom sa madlang pipol ang kanyang fur babies.
View this post on Instagram
“Meet our 9-year old fur babies Trevor (the one I am holding) and Travis!!! Regular ligo time talaga nila ‘pag weekends but since they both had cough and colds 2 weeks ago, ngayon lang namin sila napaliguan ulit plus ang init ng panahon kaya ayan swimming sila,” ang post ni Nikki sa Instagram.
Aniya pa, tinuruan din niya ang kanyang 15-year-old daughter na si Olivia Ysabelle, na maging responsableng pet owner.
“We told Olivia that having a pet is more than just cuddling and petting them. They also have their needs like us human beings — they need to eat on time, have a day to day system and visit the vet for regular check-ups.
“Kaya for parents na may kids na gusto ng pets sa bahay, dapat maturuan sila na mag-alaga ng tama. It will also be good for kids to know the meaning of having responsibilities at home,” aniya pa.
Travis Scott, Bad Bunny, The Weeknd nagsanib-pwersa sa bagong kanta na ‘K-POP’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.