Travis Scott, Bad Bunny, The Weeknd nagsanib-pwersa sa bagong kanta na ‘K-POP’
BAGO ang napipintong paglabas ng kanyang ika-apat na studio album na pinamagatang “UTOPIA,” nag-release muna ng bagong single ang American rapper-singer na si Travis Scott.
Ito ang “K-POP,” isang collaboration song kasama ang Puerto Rican rapper-singer na si Bad Bunny at ang Canadian pop star na si The Weeknd.
Wala pang isang araw mula nang ilabas ang music video ng nasabing kanta, pero umaani na ito ng mahigit 3.2 million views sa YouTube.
Bukod diyan, libo-libong fans din ang napa-comment at pinuri ang pagsasama ng tatlong superstars.
Baka Bet Mo: The Weeknd kinikilalang ‘world’s most popular artist’
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Who could’ve expected a collab from these three. When Travis drops you know it’s a banger [fire emoji].”
“Yesssss! more of this sound Trav!! I love how all three of them maintained their signature sound and fused it together [fire emojis].”
“Three of the biggest artists in one song is crazy, you already know this blowing up [pointing up finger emoji].”
Ayon sa inilabas na pahayag ng Sony Music, nais ipakita ni Travis sa bagong single ang kanyang mabilis na pag-unlad pagdating sa musika.
Isa, aniya, itong patunay na walang kaparis ang American rapper-singer sa paggawa ng kanta.
“Bringing together three of the music industry’s biggest superstars, ‘K-POP’ has long been mythologized by fans since being first teased earlier this year,” wika sa pahayag.
Lahad ng music label, “It opens up the world of UTOPIA and illuminates his rapid evolution and progression all at once.”
“It finds Travis Scott at the height of his powers as a performer, songwriter, producer, and collaborator proving once again that nobody sounds like Travis,” dagdag pa.
Ani ng Sony Music, “It continues to enshrine him as the culture’s foremost sonic innovator, leveling up beyond comparison.”
Related Chika:
Ariana Grande, The Weeknd maglalabas ng collaboration song
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.