Joaquin Domagoso proud tatay na ibinandera sa publiko ang super cute na anak: 'Baby ko si Kulot, inaalis n'ya ang aking lungkot' | Bandera

Joaquin Domagoso proud tatay na ibinandera sa publiko ang super cute na anak: ‘Baby ko si Kulot, inaalis n’ya ang aking lungkot’

Ervin Santiago |May 10,2023
facebook
share this

Joaquin Domagoso proud tatay na ibinandera sa publiko ang super cute na anak: ‘Baby ko si Kulot, inaalis n’ya ang aking lungkot’

Ervin Santiago - May 10, 2023 - 07:57 AM

Joaquin Domagoso proud tatay na ibinandera sa publiko ang super cute na anak: 'Baby ko si Kulot, inaalis n'ya ang aking lungkot'

Joaquin Domagoso at Baby Scott

FOR the first time, isang proud tatay na nag-post ang award-winning Kapuso actor na si Joaquin Domagoso ng super cute na litrato nila ng kanyang anak na si Scott sa social media.

Ito ang unang pagkakataon na ipinakita at ipinakilala ni Joaquin sa publiko ang panganay nila ni Raffa Castro na si Baby Scott Domagoso sa pamamagitan ng kanyang official Instagram account.

Ang caption na isinulat ni Joaquin sa kanyang IG post ay, “Baby ko si kulot, inaalis n’ya’ng aking lungkot——Dada loves you (heart emoji).”

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Raffa ay anak ng dating aktor na isa nang newscaster ngayon na si Diego Castro habang si Joaquin naman ay anak ni dating Manila City Mayor Isko Moreno.

Baka Bet Mo: Isko Moreno proud lolo sa anak ni Joaquin Domagoso: Ang pogi ng apo ko!

In fairness, ang cute-cute naman pala talaga ng apo nina Isko at Diego kaya hindi na kami magtataka kung very soon ay mapanood na rin natin siya sa mga TV commercials.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso)


Kamakailan ay bininyagan na rin si Scott na ginanap sa St. Michael The Archangel Parish sa Taguig City noong April 30, na sumakto naman sa kanyang first birthday.

Ipinanganak si Scott noong April 29, 2022 pero hindi ito agad isinapubliko nina Joaquin at Raffa. Nabuking lamang ito noong July, 2022 nang kumpirmahin ni Isko sa isang panayam na isa na siyang lolo.

“Ay naku, napakaresponsable,” ang  pagmamalaki ni Isko kay Joaquin bilang isang ama.

“Masayahin siya, palagi niyang inaalagaan ang anak niya. Sila sigurong mag-asawa. Maaruga siya at nakikita ko ‘yun sa kanya.”

“Happy ako dahil smiling palagi ‘yung bata. Hindi iyakin. I think, any lolo will be happy to have a grandson or granddaughter. I’m very happy and I thank the Lord, this is a blessing,” sabi ni Isko sa nasabing interview.

Raffa Castro tinakpan ang mukha ng anak sa larawan, bakit kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joaquin Domagoso ‘Hakot King 2022’, nanalo ng mga awards sa iba’t ibang international filmfest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending