Bunny Paras humingi ng tulong kay DJ Mo para sa anak nilang may sakit: Pero ghosting, dedma…hindi ako pinansin
NAGKAROON ng pagkakataong makapanayam ni Ogie Diaz habang nagbabakasyon siya sa Amerika ang dating aktres na si Bunny Paras na dating karelasyon at ina ng anak ni Mo Twister.
Si Bunny ay sumikat noong dekada 90 at naging miyembro ng “That’s Entertainment”. Kinailangan niyang pumunta ng Amerika dahil hindi na siya masyadong kinukuha sa mga projects noong nagkaroon sila ng anak ni DJ Mo.
“When I got pregnant early humina na ‘yung guestings ko nu’ng nagkaroon ako ng kid. Mga roles limited na hindi na puwede ang pa-cute-cute.
“I decided na why don’t I try life away from the stress nang walang partner sa buhay tapos naiwanan ka ng anak nang maaga, you wanna find greener pastures,” paliwanag ni Bunny.
Sa kasalukuyan ay nagbi-bake ng French macaroons ang dating aktres, “So baker Bunny macaroons kapag may time kayo kasi I need something to do for extra time lang para may pang ano lang, panggatas.
“Pang extra lang sa mga bata at sa pagbabayad ng bills, parang ganu’n,” natawang sabi nito.
Dagdag pa niya, “Actually, nu’ng bago-bago ako rito nag-work ako for a newspaper, so, sanay ako sa mga event, sa mga concert, Pinoy concerts, advertising, marketing, so, tumutulong akong magbenta ng mga tickets for a show tapos nakikita ko pa ‘yung mga kasamahan ko (dati) sa industriya.
“Minsan nga nagpa-fan mode ako kasi hindi ko pa sila nami-meet in person. Pero ‘yung iba na na-meet ko na before ang sarap to reconnect. ‘Yung iba naman ipinapakilala pa lang sa akin, siyempre nagpapa-picture din ako kasi I don’t see them all the time probably once in every 10 years, so, enjoy ako to do that until when… I don’t know.
“Hangga’t may bumibili ng tickets at mahal ako nu’ng mga producer na tinutulungan ko then nakakapag-enjoy ako,” aniya pa.
Naibahagi rin ng talent manager-vlogger na bilib siya kay Bunny dahil nagampanan nito ang pagiging ina kay Moira, ang anak nila ni DJ Mo.
May medical condition si Moira na ayon kay Bunny ay, “Carrier siya ng isang gene, ako carrier din na pag pinag-mix mo puwedeng magkasakit ang anak mo.
“Hindi parating nangyayari ‘yun pero puwedeng mangyari at nagkataong si Moira ‘yung nagkasakit which means kulang siya ng certain protein which is frataxin and nalu-loose ‘yung ability niya to walk and mga nerves niya nagwi-weaken, mga muscles niya nagwi-weaken until she ended up in a walker tapos pag nagda-dance o sumayaw parang lasing,” pagbabahagi ng dating aktres.
View this post on Instagram
Sampung taong gulang ang anak nina Bunny at Moira nang ma-diagnose ng Friedreich Ataxia, at nalulungkot siya na hindi na nakakalakad ngayon at sinabihang naka-wheel chair na siya forever.
Graduate na raw ng kolehiyo si Moira ngayon at sinabihan niya ang Mama Bunny niya ng, “I’m strong mom, so be strong, too.”
Sa rami ng pinagdaanang hirap dahil sa medical condition ni Moira ay natanong ni Ogie kung ano ang naging role ni Mo Twister bilang ama ng anak, nagkaroon ba siya partisipasyon?
Nalungkot si Bunny, “Wala akong nakitang effort, Ogs. Mabibilang ko lang.”
“Mula anong taon si Moira?” tanong ulit ni Ogie.
“Fifteen, 16 nag-graduate ng high school ‘yung anak ko, minessage niya (Mo Twister), inimbita niya pumunta sila. Mabait kay Moira, mga kapatid, so, akala ko everything’s gonna be okay kahit masama ‘yung loob ko sa kanya kasi from three years old to 16 wala ka talagang nakitang help.
“’Yung pag-sign lang niya ng adoption papers ng anak ko para ‘yung asawa ko ang maging legal father.
“Lumapit ako sa mommy niya para makakuha ako ng medical benefits para sa anak ko. I have to have my husband you know, legal father. Para hindi kami nahihirapan kasi ang daming kailangan medically aasikasuhin.
“Ang daming participation sana kung gusto niya (Mo Twister) hindi ko nakita ‘yung effort,” ani Bunny.
Balik-tanong ni Ogie kung hindi ba bumalik siya bumalik kay DJ Mo para sabihing kailangan ng suporta ng anak nila.
“I did so many times. Ano ako, ghosting, dedma. Hindi ako pinansin. ‘Yung mommy niya, mag-aabot ng 100 or 200 dollars kapag may okasyon. Saka nu’ng newborn si Moira may mga gatas, diaper. Pero hindi siya (regular nag-aabot). Sobrang libo ang expenses namin pagdating kay Moira,” pagtatapat pa ni Bunny.
Nasambit din na kahit hindi na lang sa financial ang ibigay ni DJ Mo, “Bigyan mo na lang ng panahon, ipasyal mo, make time. Iparamdam mo naman sa bata na part din siya ng immediate family mo, ‘yun ‘yung sanang gusto kong (mangyari).”
Inakala rin niya na okay na talaga ang lahat dahil nu’ng nasa Las Vegas ang mag-ina ay sinundo ng mommy ni Mo Twister si Moira para makapag bonding.
Ang adoptive father ni Moira na ang tumayong ama nito simula 10 years old at sabi nga ni Bunny ay nagpapasalamat siya sa husband niya at sa anak na never nagtanong tungkol sa kanyang tunay na ama.
Bukas naman ang BANDERA sa magiging pahayag ni DJ Mo tungkol sa mga rebelasyon ni Bunny Paras.
https://bandera.inquirer.net/315042/vice-ganda-sinupalpal-ang-netizen-na-sinabing-susunod-na-siya-kay-moira-na-makikipaghiwalay
https://bandera.inquirer.net/315518/moira-nagluluksa-hindi-lang-dahil-sa-breakup-nila-ni-jason-namatay-din-bestfriend-ko-may-cancer-yung-driver-ko-namatay-ang-tito-ko
https://bandera.inquirer.net/315025/moira-nagsalita-na-ukol-sa-hiwalayan-nila-ni-jason-while-our-marriage-was-not-perfect-i-have-stayed-true-to-my-vows
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.