Coco Martin labis ang pasasalamat sa mga tumatangkilik ng ‘Batang Quiapo’: Iba naman ang pakiramdam!
ABUT-ABOT ang pasalamat ng aktor/direktor/prodyuser na si Coco Martin sa napakaraming bumabati at pumupuri sa programa nilang “FPJ’s Batang Quiapo” dahil sa maaksyon nitong mga eksena at kuwentong realidad sa nangyayari sa buhay ng bawa’t karakter.
Totoo naman talagang gabi-gabing nagba-viral ang mga eksena ng “Batang Quiapo” patunay na maraming sumusubaybay nito at pinatutunayan naman ito ng mga numerong inilalabas ng AGB Nielsen Nutam TV Ratings Philippines na panalo ang programa ng Kapamilya network.
Tulad sa umereng episode ng BQ nitong Biyernes ay umabot sa 341, 308 concurrent viewers na napanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, at TV5. Mapapanood rin sa iWantTFC at TFC!.
Aminado si Coco na sobrang pagod at hirap ang dinadaranas niya sa BQ pero kapag nakakarinig siya ng mga papuri at magagandang rebyu ay nawawala lahat ang pagod niya.
Base sa post ng aktor, “Napakahirap magdirek na pinagsasabay mo, ikaw din ang umaarte, ikaw din ang nagbubuo ng kuwento.
“Ang hirap. Sabi ko nga, parang mali yata ang ginagawa ko sa buhay ko kasi parang pinahihirapan ko ko lang.”
Baka Bet Mo: Halikan nina Lovi Poe at Coco Martin sa ‘Batang Quiapo’ wala sa script, aktres ikakasal na nga ba ngayong buwan?
“Pero ‘yung fulfillment naman no’n kapag napanood mo na siya at alam mong nagustuhan ng mga tao para ka namang nasa langit.
“Iba naman ang pakiramdam. Sobrang sulit naman kaya half-hearted ako. Gusto ko siya pero alam kong sobrang hirap niya (gawin).”
Halos iisa ang mga nabasa naming komento na pinupuri ang programang Batang Quiapo at si Coco.
May viewer na umiyak daw ang anak niya dahil binaril si Tanggol ng amain na si Rigor (John Estrada).
Sabi ni @Chen Lau, “U deserved it idol (Coco) pero di poh deserved ng anak ko umiyak dahil pinatay ka poh ni Rigor. Hustisya poh kailangan namin esti niya.
Salute to you poh! Keep it up!”
Mula kay @Lalaine Marcelo, “Congrats po, galing po ng scene kagabi, nakakaawa po kayo (karakter ni Coco), naiiyak sa naging desisyon ni ninong at nalungkot sa ginawa ng tatay mo.”
Say din ni @Lilibeth Ferran, “Galing nyo po idol.masaya po ang manood ng mga teleserye n’yo. maganda puno ng action, drama goodluck po keep it up…salute*”
Ayon kay @Rhose Starr, “Habang tumatagal nakakainip din gusto q kc ung lgeng may action na di nahuhuli.”
Hirit ni @Syma Miaga, “Keep going. We love what you’re doing.”
May mga nabasa kami na sana ang eereng episode raw sa Lunes, Agosto 14 ay may pagbabago na sa buhay ni Tanggol at makilala na siya ng tunay niyang amang si Ramon Montenegro played by Christopher de Leon.
Samantala, may bagong post si Janice Jurado nitong Biyernes ng gabi bilang si Mama Janet na tila ibabalik siya sa serye.
Aniya, “Sana po ‘wag na po ninyo idamay ang pangalan ni Ms Lovi Poe, dahil wala na ako sa Batang Q kasi po wala si Mokang nasa America wala na po ang eksena sa club. Pag dating po n’ya at gusto pa ni direk Coco na ibalik si Mama Janet pasalamat na lang tayo hintayin natin si Mokang malalaman natin wait lansg po tayo,salamat po.”
Sa madaling salita sa pagbabago ng buhay ni Mokang ay mababago na rin ang buhay ni mama Janet at baka gawin na siyang kanang kamay ng future wife ni Ramon.
Abangan ang mga susunod na episodes.
Related Chika:
Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame
Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.