Erik Santos nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama
SUMAKABILANG buhay na ang ama ni Erik Santos na si Renato “Nats” Santos ngayong araw, August 11, sa edad na 70.
Ang malungkot na balita ay ibinahagi ng mang-aawit sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.
“Our beloved Tatay has now joined our Creator. Mahal na mahal kita, Tay,” saad ni Erik sa caption.
May kalakip rin na bible verse rin mula sa 2 Timothy 4:7-8 ang kanyang post.
““I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. Now there is in store for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will award to me on that day—and not only to me, but also to all who have longed for his appearing.”
View this post on Instagram
Marami namang mga netizens at mga kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay kay Erik.
“Tito Nats we love you. Pahinga napo kayo,” saad ni Angeline Quinto. “Pogs ipinagdadasal kita at buong pamilya mu. Lalo si Tito Nats at Tita Litz,” dagdag pa niya.
Comment naman ni Yeng Constantino, “Yakap ng mahigpit Erik. Dito lang kami para sayo.”
“Hugs my brother. Hugs and prayers,” pakikiramay ni Ogie Alcasid.
Mensahe naman ni Sharon Cuneta, “Oh dear…our deepest condolences dearest Erik…We love you. Be strong anak…”
Sey naman ni Giselle Sanchez, “Yakap na mahigpit para sa iyo kapatid. Magkasama sa sila ni mama mo. Condolences.”
Matatandaang noong November 2022 lang nang pumanaw ang ina ni Erik na si Angelita Ramos-Santos.
At wala pang isang taon ay binawian na rin ng buhay ang kanyang ama.
Hindi naman ibinahagi ni Erik kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay ng ama.
Related Chika:
Erik Santos nagluluksa sa pagkamatay ng ina: Mahal na mahal na mahal kita!
Erik Santos sa pagpanaw ng ina: Kapag mag-isa na lang ako, nagbe-breakdown ako, hindi ko kaya…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.