Gina Alajar gustong makatrabaho sina Piolo at Alden sa 'huling project'; lucky charm si Amy Austria | Bandera

Gina Alajar gustong makatrabaho sina Piolo at Alden sa ‘huling project’; lucky charm si Amy Austria

Ervin Santiago |August 09,2023
facebook
share this

Gina Alajar gustong makatrabaho sina Piolo at Alden sa ‘huling project’; lucky charm si Amy Austria

Ervin Santiago - August 09, 2023 - 01:53 PM

Gina Alajar gustong makatrabaho sina Piolo at Alden sa 'huling project'; lucky charm si Amy Austria

Gina Alajar, Piolo Pascual at Alden Richards

KUNG sakaling gagawa ng “last project” ang award-winning actress at director na si Gina Alajar, may dalawang sikat na sikat na aktor siyang napipisil para magbida rito.

Sa Monday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA 7, natanong si Gina kung may limang artista na gusto niyang makatrabaho sa “huling” proyekto niya, sinu-sino ang mga ito.

Binanggit niya ang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual, si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ang kanyang kaibigang award-winning actress na si Amy Austria, at ang mga anak niyang sina Ryan at Geoff Eigenmann.

Paliwang ni Gina kung bakit napili niya si Amy, matagal na raw niyang idol ang veteran actress at naniniwala siyang lucky charm niya ito.

“Madali siyang katrabaho, madali siyang kausap, very generous at hindi siya nagmamagaling, at masaya siyang kasama,” sey ni Direk Gina.

Baka Bet Mo: Matagal nang pangarap ni Alfred Vargas tinupad nina Ate Guy, Gina at Jaclyn: ‘Thank you, Lord!’

Tungkol naman kay Piolo, siya raw kasi ang unang nag-workshop sa Kapamilya actor noong nagsisimula pa lang ito sa showbiz at nang gawin nito ang pelikulang “Lagarista.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fast Talk with Boy Abunda (@fasttalkgma)


“Doon pa lang alam ko na na magaling siyang artista,” chika ni Gina. Kuwento pa niya, mas hinangaan at nirespeto pa niya si Papa P dahil sa pagiging malapit sa Panginoong Diyos.

At sa tanong kung bakit gusto niyang makasama si Alden sakaling last project na niya sa showbiz, “I don’t know. I just have a soft spot for him.”

Kung matatandaan, nagkasama sina Alden at Direk Gina sa Kapuso hit series na “Start-Up PH” kung saan bumida rin sina Bea Alonzo, Jeric Gonzalez at Yasmine Kurdi.

Nabanggit din ni Gina kay Tito Boy na ang premyadong aktres na si Anita Linda ang pinakahinahangaan niyang artista, habang abot-langit ang paghanga niya sa yumaong direktor na si Lino Brocka.

Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: ‘Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Guy natakot nang talakan ni Gina Alajar ang kaeksenang youngstar: ‘Late ka na nga, hindi mo pa makuha ang eksena mo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending