Rabiya Mateo tuloy ang laban para sa kalikasan: 'Sana grade school pa lang, alam na ng mga bata 'yung problema, yung kailangang pagbabago' | Bandera

Rabiya Mateo tuloy ang laban para sa kalikasan: ‘Sana grade school pa lang, alam na ng mga bata ‘yung problema, yung kailangang pagbabago’

Ervin Santiago - August 08, 2023 - 07:17 AM

Rabiya Mateo tuloy ang laban para sa kalikasan: 'Sana grade school pa lang, alam na ng mga bata 'yung problema, yung kailangang pagbabago'

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

TULOY ang laban ng Kapuso actress at dating beauty queen na si Rabiya Mateo para sa kaligtasan ng Inang Kalikasan sa tuluyang pagkasira nito.

Isa si Rabiya sa mga kilalang celebrities na walang-sawang nagpapakita ng malasakit at pagmamahal kay Mother Earth, partikular na ang patuloy niyang advocacy sa plastic waste management sa Pilipinas.

Muling ibinandera ng “Royal Blood” actress ang kanyang pagmamalasakit sa kalikasan nang maging speaker siya sa ginanap na Family Wellness Festival last  Sunday, August 6.

“We only have one home and this planet has changes throughout the years and those changes, palala nang palala,” ang pahayag ng dalaga sa panayam ng GMA Network kung saan ipinaalala niya uli ang kahalagahan 3Rs sa isyu ng waste management — ang reuse, reduce and recycle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sinasabi ko nga kanina na dapat ‘yung pagiging isang environmentalist, ‘yung pagmamahal sa kalikasan, hindi lang siya among beauty queens, among environmentalist, pero dapat bawat tao sa mundo, may pagmamahal sa tahanan natin,” sabi pa ni Rabiya.

Sa tanong sa kanya kung paano niya ito ipo-promote sa kanyang mga kapwa-celebrities, “Alam mo, individuality talaga. It’s so hard to track down ‘yung activities and lifestyle of other artists. But, you can be strong about where you stand and what you stand for.”

Baka Bet Mo: Rabiya kinarir ang pagboboksing para sa pagiging ‘action star’; game na game magkontrabida

Binalikan pa niya ang naging karanasan noong maraming nang-okray sa kanyang fashion style, “Sabi ko nga, iba ‘yung perception ng mga tao about fashion, being a celebrity, pero iba rin ‘yung pinaglalaban ko bilang meron akong puso para sa kalikasan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


“I can sleep at night knowing na kahit mahirap, kasi hindi siya madali e, kasi sometimes, it’s in our system, to do things as a reflex. Pero dito kasi, you have to change, at ‘yung change na ‘yun, kailangan mong panindigan,” pahayag pa niya.

Kapag sumali nga raw siya uli sa beauty pageant, ang magiging advocacy pa rin niya ay ang edukasyon at ang tamang pag-aalaga sa kapaligiran.

“You educate people to love the environment, to take care of the environment.

“Sana, as early as possible, grade school pa lang, alam na ng mga bata ‘yung problema, napasok na sa sistema nila ‘yung kailangang pagbabago, to have a good impact sa lifestyle nila,” aniya pa.

Rabiya kumpirmadong magiging Kapuso na; nag-explain kung bakit napaluhod sa ‘final walk’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rabiya patuloy ang paghahanap sa ama: ‘Wala naman po akong kailangan sa kanya, I have money na and naka-provide na ako sa family ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending