Alwyn sa muntik na pagkasira ng relasyon nila ni Jennica: Opo, dahil sa akin...ako po ang may sala, sorry na po | Bandera

Alwyn sa muntik na pagkasira ng relasyon nila ni Jennica: Opo, dahil sa akin…ako po ang may sala, sorry na po

Ervin Santiago |February 16,2022
facebook
share this

Alwyn sa muntik na pagkasira ng relasyon nila ni Jennica: Opo, dahil sa akin…ako po ang may sala, sorry na po

Ervin Santiago - February 16, 2022 - 03:19 PM

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

KAKAIBA pero super exciting ang naging Valentine date ng celebrity couple na sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia last Monday, Feb. 14.

In fairness, mas ginusto ng aktor na ipagdiwang ang Araw ng mga Puso at ang 12th anniversary nila ni Jennica kesa sa 34th birthday niya last Feb. 11.

Isang napakahabang post ang ibinahagi ni Alwyn sa Facebook kahapon, Feb. 15, kung saan naikuwento nga niya ang mga pinaggagawa nila ni Jennica last Valentine’s Day.

Pagbabahagi ng aktor, nilibot nilang mag-asawa ang ilang magaganda at cool places sa Rizal, kabilang na ang Pinto Art Museum sa Antipolo.

Narito ang ilang bahagi ng Facebook message ni Alwyn, “I See You.

“Noong nakaraang weekend, ang daming petsa na kailangan i-celebrate namin.. bday ko, anniversary namin tapos may balentimes pa. Hindi sa lahat ng oras napagbibigyan kami ng chance ma-celebrate lahat ng ‘yan.

“Una sa first, hindi ko na inisip magpa-party para sa bday ko. Dahil syempre Covid, at saka tumatanda na ko, ice-celebrate ko pa? 

“Teka lang.. hindi naman nakakatuwa ‘yon ah. At ayoko na ng attention para sa sarili ko. Kaya mas excited ako na ipagdiwang anibersaryo at balentimes namin ni Jen. Lalo na sa taon na ‘to,” lahad ni Alwyn.

Kasunod nito, binalikan ng aktor ang matinding pagsubok na pinagdaanan ng relasyon nila ni Jennica last year kung saan muntikan na silang magkahiway.

“Alam naman natin lahat, isang MILAGRO ang ma-celebrate namin ang 12th anniversary namin. Muntik na nga magtapos sa 11th year. (Opo, dahil po sakin. Ako po ang may sala. Sorry na po).

“Kaya napakahalaga sa akin / sa amin na maipagdiwang ang anniv namin. Kasi isa siyang malaking blessing talaga.

“Nagplano ako ng mabuti para sa araw na ‘to. Dahil gusto ko lang maramdaman ni Jen kung gaano ako ka-grateful sa kaniya, kay God, at sa pagkakataon na mapagdiwang ang araw na ‘to na kasama siya.

“Pero simple lang naman ang ganap. Sinurprise ko siya nang dalhin ko siya sa Pinto Art Museum at wala siyang kaalam alam. Sabi ko lang, papasyal kami. Ganern. Matagal na niyang gusto makapunta sa museum na ‘yon, lalo pa ng malaman niya na nakapag shoot ako doon,” pahayag pa ni Alwyn.

Patuloy pa niya, “Kaya ayan, umikot ikot kami sa Pinto. Nag pichur pichur ng mga views, paintings at syempre yung pagkain (naks foodist yarn?). 

“May isang area doon na may balon na mukhang wishing well kasi nakita namin sa ibaba na may mga barya sa ilalim ng tubig. Kaya ayon, naghulog ng piso ang tito at tita mo.

“Nu’ng mapagod na kami, nag aya si Jennica na umuwi na. Sabi ko, puntahan muna namin yung garden sa labas ng Gallery 7.

“At yon ang da best na panapos sa day trip namin. Hindi namin inaasahan na may mga tumpok ng bamboo doon sa garden. Sa tuwing humahangin, parang kumakanta yung mga bamboo kapag nagbe-bend yung trunk nila,” aniya pa.

Naikonek pa nga ng mister ni Jennica sa pinagdaanan nila ang 2009 epic sci-fi movie na “Avatar”, “Doon ko naalala yung pelikula na Avatar. Hind yung airbender, yung kulay blue sila. 

“Recently pinanuod ko ulit yung Avatar ni James Cameron kasi favorite ko ‘yon at may balita na magkakaroon daw ito ng part 2 (and 3??).

“Naaalala ko na ito nga pala ang kauna-unahang bagay na sinabi ko kay Jennica noon, nu’ng hindi pa kami mag jowa. Nasa isang bar kami noon. Kasama ang common friends namin. Halos magkatabi kami, pero di kami nag uusap. Wala ako ibang masabing ice breaker kundi..

“’Napanuod mo na ba ‘yong Avatar?’

“Sagot niya, ‘hindi, ano ‘yon?’

“Doon na nagsimula ang conversation namin. And up to this day, hindi ko pa rin makakalimutan ang topic namin na ‘yon. Anyway, sorry lumalayo na.

“May isang linya doon sa pelikula na sinasabi ang mga character na tumatak sa akin. Yung quotable line na ‘I see you, Jakesully.’

“Imagine, sabihin sa’yo ng isang warrior princess ‘yon.. na nakikita ka niya. Hindi lang yung pisikal na anyo mo, pero ina-acknowledge niya ‘yong presence mo. ‘Yong kapasidad mo, yung worth mo.

“At noong nag rewatch ako ng Avatar, mas mabigat na sakin ang mga salitang ito. I SEE YOU. Na para bang mas matimbang pa ito kaysa I love you,” mensahe pa ni Alwyn.

Nagpasalamat din siya kay Jennica sa pagtanggap uli sa kanya para bigyan ng second chance, “Nanay, salamat. At kahit ganito ako, maraming kakulangan sa’yo, maraming pagkakamali at napaka imperfect na tao, nakikita mo pa rin ako. Salamat sa 12 years natin pagsasama. Salamat sa pagmamahal.

“I see you, Jennica. Mahal kita,” pahayag pa ni Alwyn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, nagpakasal sina Alwyn at Jennica noong February, 2014 sa pamamagitan ng isang secret wedding.

Alwyn gumawa ng tula para sa 32nd birthday ni Jennica: Wala akong kapangyarihan para angkinin ka

Alwyn tuloy ang panliligaw kay Jennica: Patawad sa lahat ng pagkakamali ko, babangon ako mahal

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending