Ellen Adarna handa nga bang magpatawad kapag niloko ng lalaki? | Bandera

Ellen Adarna handa nga bang magpatawad kapag niloko ng lalaki?

Therese Arceo |August 04,2023
facebook
share this

Ellen Adarna handa nga bang magpatawad kapag niloko ng lalaki?

Therese Arceo - August 04, 2023 - 09:32 PM

Ellen Adarna handa nga bang magpatawad kapag niloko ng lalaki?

READY nga ba ang dating aktres na si Ellen Adarna na magpatawad sakaling lokohin siya ng lalaki?

Natanong kasi siya ng isang netizen sa kanyang Instagram page kung sakaling lokohin siya ng dalawang beses ng lalaking kanyang minamahal.

“Ms Ellen, if the man cheated you twice okay lang ba na patawarin mo?” tanong ng netizen.

Bagamat walang sinabing pangalan ay marahil ang lalaking tinutukoy ng netizen sa kanyang tanong ay ang asawa nitong si Derek Ramsay.

“Kung ako dai, sa once pa lang, sa pinakauna pa lang, wala na yang patawad,” diretsahang sagot ni Ellen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Ellen Adarna umaming na-insecure kay Kristine Hermosa, napanganga nang makita sa personal: ‘What the hell?’

Giit pa niya, hindi ba raw ito aabot pa sa pangalawang pagkakataon dahil sa una pa lang ay hindi na niya ito papayagang lokohin siya ulit.

“Wala nang twice na mangyayari kasi natapos na sa one,” lahad ni Ellen.

Hirit pa niya, “The end. And I shall live happily ever after.”

Kamakailan ay palaging laman ng balita si Ellen dahil sa kanyang mga kwelang sagot at mga advice sa mga tanong sa kanya ng kanyang mga followers.

May isang netizen nga siyang sinagot ukol sa reklamo nito sa mahal na entrance ng isa sa mga tourist attractions sa Cebu na Temple of Leah.

Ang naturang lugar ay pagmamay-ari ng pamilya ni Ellen. Regalo ito ng kanyang Lolo Teodorico sa kanyang Lola Leah.

“The story about the Temple Day was that it was not built to be a tourist spot. It was built to be a storage for my grandmother’s things.

“So the family decided to make it a business na lang because maraming taong pumupunta dun na di naman sana yun tourist spot,” lahad ni Ellen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ganun yun ngayon, expand na lang, pero malaki din ang gastos, kung alam mo lang. So kung nagrereklamo ka, wag ka na lang pumunta. Ganun na lang,” sey niya.

Related Chika:
Ellen tumigil na sa pagyoyosi makalipas ang 17 years, dinenay na buntis: ‘I’m preparing my body to get pregnant’

Ellen Adarna ayaw pang bumalik sa showbiz, kakaririn nila ni Derek Ramsay ang pagbuo ng baby ngayong 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending