Ellen tumigil na sa pagyoyosi makalipas ang 17 years, dinenay na buntis: 'I’m preparing my body to get pregnant' | Bandera

Ellen tumigil na sa pagyoyosi makalipas ang 17 years, dinenay na buntis: ‘I’m preparing my body to get pregnant’

Ervin Santiago |June 14,2023
facebook
share this

Ellen tumigil na sa pagyoyosi makalipas ang 17 years, dinenay na buntis: ‘I’m preparing my body to get pregnant’

Ervin Santiago - June 14, 2023 - 06:59 PM

Ellen tumigil na sa pagyoyosi makalipas ang 17 years, dinenay na buntis: 'I’m preparing my body to get pregnant'

MAKALIPAS ang 17 taon, nag-goodbye na ang dating sexy star na si Ellen Adarna sa pagyoyosi bilang paghahanda sa kanyang pregnancy journey.

Desidido na ang asawa ni Derek Ramsay na makabuo sila ng sariling baby kaya nagdesisyon na siyang itigil na ang pagbe-vape.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, ibinandera ni Ellen na finally ay nagbabu na siya sa hinihithit na vaping device.

“Goodbye, my friend. Seventeen years of smoking. I’m gonna break up with you now. Today. Goodbye. Goodbye. I’m heartbroken,” ang pamamaalam niya sa natutang vape.

Kasabay nito, mariing itinanggi ni Ellen na buntis na siya kaya bigla siyang tumigil sa pagyoyosi. Paglilinaw niya, “I’m not pregnant. I’m preparing my body to get pregnant.”

Sa isa pa niyang video sa Instagram, nag-share ang wifey ni Derek ang tungkol sa side effects ng paghinto niya sa pagbe-vape sa loob lamang ng kalahating araw.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna ayaw pang bumalik sa showbiz, kakaririn nila ni Derek Ramsay ang pagbuo ng baby ngayong 2023

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

“I don’t get styes, but this is, it’s here, I think it’s from the stress. The emotional stress that I went through, that I’m still going through. The detachment of vape. It’s showing,” chika ng celebrity mom.

“My demons are strong today,” dagdag pa niya na kitang-kita kung paano niya pinaglalabanan ang pagwi-withdraw sa vaping.

Sinagot naman ni Ellen ang tanong ng isang netizen kung ano ang mas feel niyang maging anak nila ni Derek, kung babae o lalaki.

“Sana girl para tapos na ang boxing. We have both boys na. We want one na lang. Pero if it’s a boy, okay lang din,” sagot naman ni Ellen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, ine-enjoy muna ng aktres ang kanyang married life with Derek kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias na 4 years old na ngayon.

Related Chika:
Ellen rumesbak sa nanglait kay Derek: Hindi rin bagay sa ‘yo makialam, bakit ganda ka?

Ellen Adarna nilinaw na hindi ia-adopt ni Derek ang anak nila ni John Lloyd na si Elias

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending