Blackpink Jisoo, Ahn Bo-Hyun kumpirmadong ‘in a relationship’ na

Blackpink Jisoo, Ahn Bo-Hyun kumpirmadong ‘in a relationship’ na

Pauline del Rosario |August 03,2023
facebook
share this

Blackpink Jisoo, Ahn Bo-Hyun kumpirmadong ‘in a relationship’ na

Pauline del Rosario - August 03, 2023 - 06:08 PM

Blackpink Jisoo, Ahn Bo-Hyun kumpirmadong ‘in a relationship’ na

IT’S confirmed mga ka-bandera!

Currently in a relationship o mag-dyowa na ang Blackpink member na si Jisoo at ang South Korean actor na si Ahn Bo-Hyun.

Ibinunyag ito mismo ng kanilang talent agency sa pamamagitan ng inilabas na pahayag.

Magugunitang nagsimula ang mga chikang may namamagitan sa dalawang Korean star nang kumalat ang mga litrato na nagpunta si Bo-hyun sa bahay ni Jisoo.

Wala pang detalye kung kailan nagsimula ang kanilang pag-iibigan, pero agad ngang kinumpirma ng YG Entertainment at FN Entertainment ang tungkol sa kanilang relasyon.

Baka Bet Mo: Jisoo ng Blackpink nag-release ng kauna-unahang solo album

Sey pa sa pahayag, “They are getting to know each other with positive feelings.”

“We would be thankful if you look upon them with warmth,” pakiusap pa ng talent labels sa fans.

August 2016 nang mag-debut bilang lead vocalist at visual ng K-Pop girl group na Blackpink si Jisoo.

Nitong Marso naman nang magkaroon siya ng solo album na pinamagatang “Me.”

Maliban pa sa kanyang singing career, bumida siya sa sikat na K-Drama na may titulong “Snowdrop” noong 2021.

Nagkaroon din siya ng cameo appearance noong 2015 sa comedy drama series na “The Producers.”

Samantala, ilan lamang sa mga kinatampukan na proyekto ni Bo-Hyun ay ang k-dramas na “See You in My 19th Life,” “2022 Military Prosecutor Doberman,” “Yumi’s Cells,” “Descendants of the Sun,” at marami pang iba.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Blackpink Jisoo positibo sa COVID-19, hindi makakasama sa Japan concert

BLACKPINK Jisoo, Jennie at Rosé negatibo sa COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending