Prison action series ni Jericho Rosales na 'Sellblock' hindi na matutuloy? | Bandera

Prison action series ni Jericho Rosales na ‘Sellblock’ hindi na matutuloy?

Reggee Bonoan |July 31,2023
facebook
share this

Prison action series ni Jericho Rosales na ‘Sellblock’ hindi na matutuloy?

Reggee Bonoan - July 31, 2023 - 03:19 PM

Prison action series ni Jericho Rosales na 'Sellblock' hindi na matutuloy?

Jericho Rosales

SHELVED na nga ba ang international prison action series na “SellBlock” na pinagbibidahan ni Jericho Rosales?

Wala kasing balita kung nag-resume na ng taping ang nasabing series na ididirek ni Pedring Lopez na isa rin sa producer ng movie under Both BlackOps at Psyops8.

Nag-post si Echo nu’ng Hunyo 3 ng dalawa niyang larawan (mug shot) para sa karakter niya sa serye bilang si Cenon Santiago.

Ang caption ng aktor, “I’m just very happy to be acting in front of the camera again. Hi to my #SellBlock fam. You all are amazing. I’m honored… and happy I’m not waking up at 3am tomorrow. Sweet meme.”

Kaya maraming natuwang supporters ang aktor dahil finally back to work na siya sa tagal niyang nag-lie low dahil naging abala siya sa ibang bagay.

Kaya’t nagtanung-tanong kami sa taga-production at nabanggit nga na naka-hold muna ang “SellBlock” dahil may mga inaayos pa at nabanggit din sa amin na naghahanap pa ng bagong producer dahil may bumaklas na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by L’Officiel Philippines (@lofficielph)


“Buo na kaso may problema naghahanap ng additional funding,” kaswal na sabi sa amin.

Baka Bet Mo: Pagtatambal nina Marian at Gabby sa bonggang teleserye ng GMA tuloy na, kinukumpleto na ang cast

Tanda namin noong Marso, 2022 ay inanunsyo na ang “SellBlock” ay project ng ABS-CBN International Production at Co-Production ng BlackOps Studios Asia, Story Arch Pictures, at Hong Kong’s Agog Film.

Ang ABS-CBN International Production kaya ang sinabing bumitaw na bilang isa sa producer ng “SellBlock” kaya’t naghahanap ng bagong partnership ang BlackOps Studios?

“Nalungkot nga si Jericho nu’ng naka-hold ang project kasi excited na siyang magbalik taping tapos heto pa ang nangyari,” sabi ulit ng katsika naming taga-prod.

Pero nangako naman daw ang isa sa producer ng “SellBlock” na matutuloy ang project hindi palang sila makapag latag kung kailan talaga sila magte-taping ulit dahil nga hinihintay ang desisyon ng kinakausap na producer.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Jericho Rosales o sa sinumang involved sa production ng “SellBlock.”

Jericho sasabak sa matinding training para sa international prison action series na ‘Sellblock’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

James Reid isa sa pinagpipilian para bumida sa int’l prison drama na ‘Sellblock’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending