James Reid isa sa pinagpipilian para bumida sa int'l prison drama na 'Sellblock'? | Bandera

James Reid isa sa pinagpipilian para bumida sa int’l prison drama na ‘Sellblock’?

Reggee Bonoan |February 20,2022
facebook
share this

James Reid isa sa pinagpipilian para bumida sa int’l prison drama na ‘Sellblock’?

Reggee Bonoan - February 20, 2022 - 06:13 PM

Gerald Anderson, Coco Martin at James Reid

TRULILI kaya ang nakarating sa aming balita na isa si James Reid sa pinagpipilian ng ABS-CBN management para gumanap sa international drama series na “Sellblock”?

Isa si James sa napipisil sa prison-set action drama na nasa pre-production na pero lahat ng mapipiling artista para rito ay dadaan sa matinding audition.

Kinakailangan ay magaling sa action ang pangunahing bida at ang dalawa na nasa isip namin na bagay sa proyektong ito ay sina Coco Martin at Gerald Anderson.

Pwedeng-pwede rin ang dalawang aktor sa “Sellblock” lalo’t napatunayan na naman nila sa kani-kanilang mga serye (FPJ’s Ang Probinsyano at A Soldiers Heart) na pwede silang mag-aksyon at magdrama.

Wala naman kaming alam na may ginawang action film si James pero kung mukha at pagiging fluent sa English ang pag-uusapan ay pasok na ang binata at madali namang mag-workshop na para sa mga action scenes.

Sa Sound stages sa San Jose del Monte, Bulacan itatayo ang New Bilibid Prison kung saan gagawin ang shooting ng “Sellblock.”

Pag nagkataon, bobongga ulit ang acting career ni James bilang solo actor at posibleng sumabay na rin dito ang pag-arangkada ng singing career niya.

View this post on Instagram

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)


Samantala, ang “Sellblock” ay mula sa ABS-CBN International Production, BlackOps Studios Asia,  Story Arch Pictures ng US at Agog Film ng Hong Kong.

“It’s something we’ve been developing pre-pandemic pa, 2019. We were already supposed to produce it, and then everything happened, the pandemic and the shutdown, so na-delay.

“We thought hindi matutuloy, but then, nagakaroon ng new partners and then na-revive,” ayon kay Ruel Bayani, ang head ng International Production ng ABS-CBN sa isang panayam kasabay ng pagkumpirma na magaganap ang cast announcement sa Marso.

“A big actor is playing the FBI agent na nemesis ng ating Kapamilya actor,” sabi pa ni Direk Ruel sa panayam ng ABS-CBN.

https://bandera.inquirer.net/305920/sayang-na-sayang-ang-loveteam-nina-james-at-nadine-cristy-fermin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/306090/tatay-ni-james-reid-tinawag-na-basura-ang-balitang-for-good-na-ang-anak-sa-us
https://bandera.inquirer.net/290655/james-reid-hindi-pa-rin-nabebenta-ang-bahay-umaasang-may-chance-pa-kay-nadine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending