Nonito Donaire bigong makamit ang ‘bantamweight’ world title, natalo sa Mexican boxer
HINDI nakamit ng tinaguriang Filipino Flash na si Nonito Donaire ang titulong “bantamweight” world title sa katatapos lang na laban sa boxing ngayong araw, July 30.
Ang nakatalo sa kanya ay ang Mexican boxer na si Alexandro Santiago na nakakuha ng unanimous decision matapos ang 12 round na laban.
Para sa kaalaman ng marami, ang nakamit na titulo ng Mexicano ay ang kauna-unahan niyang world title sa boxing career.
Habang si Donaire naman ay nagwagi na ng apat na world titles at kabilang na riyan ang flyweight, bantamweight, super-bantamweight at featherweight.
Habang tumatagal ang laban ng dalawa ay tila hindi na napantayan ng Pinoy boxer ang bilis ni Santiago.
Baka Bet Mo: Ruffa Gutierrez kinumpirmang tuloy na ang part 2 ng ‘Maid In Malacañang’, ‘Martyr or Murderer’ pa rin kaya ang title?
Ang Mexican boxer ay nag-landing ng sunud-sunod na suntok sa ika-siyam na round at mabilis na napigilan ang momentum ni Donaire bago pa nito ilabas ang malakas na suntok.
“It’s been an honor to fight such a legend like Nonito Donaire,” sey ni Santiago na napaiyak pa sa gitna ng ring habang niyakap siya ni Donaire.
Inamin ni Donaire na bagamat na nadismaya siya sa naging resulta ng kanyang laban ay mahal pa rin daw niya ang boxing.
“Disappointed,” pag-amin ng Filipino Flash.
Dagdag niya, “I feel good still. I love the sport so much. There were just some things that didn’t trigger.”
Naganap ang boxing fight ng dalawa sa T-Mobile Arena sa Nevada, United States bago magsimula ang inaabangang welterweight world title unification bout ng unbeaten Americans na sina Errol Spence at Terence Crawford.
Related Chika:
Neri Miranda nagtapos na ng kolehiyo, may kwelang graduation picture
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.