Senatoriable Chavit Singson kay Casimero: tatawagan kita

Senatoriable Chavit Singson kay Casimero: tatawagan kita

Antonio Iñares - November 11, 2024 - 09:24 PM

Senatoriable Chavit Singson kay Casimero: tatawagan kita

“QUADRO Alas, tatawagan kita.” Ito ang naging sagot ni senatorial candidate at dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa isang viral post na tila nagpapahiwatig na maaaring mapasailalim ng Top Rank Boxing ang boksingerong si John Riel Casimero o mas kilala bilang Quadro Alas.

Personal na bumisita si Casimero sa tahanan ng senatoriable noong November 7 upang humingi ng tulong para sa kanyang mga susunod na laban, partikular sa posibleng paghaharap nila ng Hapon na si Naoya Inoue.

Nangako naman si Chavit na tutulungan niya ang atleta.

Baka Bet Mo: Chavit kay Carlos: Kausapin mo pamilya mo, ‘wag mo na silang pahirapan

Ayon sa post sa Facebook page na Boy Kumo TV Boxing na umabot na sa halos 40,000 likes, huwag na umano magulat (ang fans) kung makita si Quadro Alas na lumaban sa ilalim ng pinakamalaking boxing promotional company sa mundo na Top Rank, “alam naman natin kung gaano ka-impluwensiya si Chavit Singson sa mundo ng boxing.”

Matalik na kaibigan ni Singson ang isa sa mga may-ari ng Top Rank na si Bob Arum.

Minsan nang inilarawan ni Arum si Singson bilang “a wonderful man, a Filipino patriot.”

Maraming atleta na ang natulungan ni Chavit Singson, partikular sa sport na boxing.

Malaki ang naging ambag niya sa tagumpay ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Pinakahuli ay ang suportang ibinigay niya sa Pinoy Olympian na si Charly Suarez na kamakailan ay nakuha ang titulong WBO international super featherweight nang matalo sa third round ang kanyang kalabang Amerikanong na si Jorge Castaneda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending