Winwyn nagpasintabi sa legit Dabarkads bago mag-host sa 'Eat Bulaga' ng GMA; buong tropa naghahanda na para sa 44th anniversary celebration | Bandera

Winwyn nagpasintabi sa legit Dabarkads bago mag-host sa ‘Eat Bulaga’ ng GMA; buong tropa naghahanda na para sa 44th anniversary celebration

Ervin Santiago |July 26,2023
facebook
share this

Winwyn nagpasintabi sa legit Dabarkads bago mag-host sa ‘Eat Bulaga’ ng GMA; buong tropa naghahanda na para sa 44th anniversary celebration

Ervin Santiago - July 26, 2023 - 07:38 AM

Winwyn nagpasintabi sa legit Dabarkads bago mag-host sa 'Eat Bulaga' ng GMA; buong tropa naghahanda na para sa 44th anniversary celebration

Winwyn Marquez

NAGPASINTABI rin ang actress at former beauty queen na si Winwyn Marquez sa mga original Dabarkads bago niya tinanggap ang hosting job sa “Eat Bulaga” ng GMA 7.

Aminado ang Kapuso star na nakatikim din siya ng pamba-bash mula nang maging guest co-host siya sa longest-running noontime show sa Pilipinas na pinamamahalaan ng TAPE, Incorporated.

Ayon kay Winwyn, may mga nababasa siyang hate comments mula sa mga netizens dahil sa pagtanggap niya sa offer ng pamilya Jalosjos na maging host ng “Eat Bulaga.”

“Pero not as much as the others. Pa-third week na sila nang pumasok ako. Pero meron pa rin siyempre, normal naman yun,” sey ni Winwyn nang nakachikahan sandali ng ilang members ng press sa premiere night ng pelikulang “The Cheating Game” sa SM The Block nitong Lunes, July 24.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Winwyn Marquez (@teresitassen)


Pagpapatuloy ni Winwyn, “Prior kasi ako mag-guest, nag-message din ako sa mga dating hosts. Nagpasintabi. Nagpasabi rin siyempre, kina Bossing, wala naman, okay naman sila.

“For me, I just wanted to be in respect to them na magpaalam na maggi-guest co-host ako,” sabi pa ng celebrity mom.

Idinaan daw ni Winwyn sa ilang staff na naki-join sa mga original at legit Dabarkads sa paglipat sa TV5 ang kanyang mensahe dahil wala raw siyang direct contact kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Baka Bet Mo: Winwyn Marquez umaming pumapalya rin ngayong may sarili nang pamilya, natutong mag-meditate para sa mental health

“Ang iba naman po, nag-reply. Siyempre, yung iba, naintindihan naman nila ako, wala namang problema. Okay naman. Siyempre, supportive naman sila.

“Siguro kasi, it’s between them, and whatever is happening. Wala naman po silang in-explain or anything, wala naman. Sabi naman basta enjoy lang,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa ngayon, wala pang maisagot si Winwyn kung magiging regular host na siya sa “Eat Bulaga”, “Pero wala naman pong problema sa akin if maging regular kasi tuluy-tuloy naman ako sa kanila.

“Siguro wala pa talagang final kung ano ba talaga ang mangyayari. Pero so far, tuluy-tuloy naman,” ani Winwyn.

Samantala, naging madali naman daw para sa kanya ang mag-adjust bilang host ng bagong version ng “Eat Bulaga” at sa mga katrabaho niya sa programa.

“Kasi, kilala ko naman sila prior pa, di ba? Nakatrabaho ko naman yung iba, like sina Buboy (Villar), si Cassy (Legaspi) si Dasuri (Choi). So, ang gaan lang talaga,” sey ni Winwyn.

Tungkol naman sa 44th anniversary celebration ng “Eat Bulaga” sa Sabado, July 29, “The anniversary kasi…yung gagawin namin, it’s going to revolve sa viewers, sa audience na manonood, sa mga staff na nandu’n.

“So, it’s celebrating them. I don’t think it’s celebrating…it’s not about the hosts. It’s more about the people na matutulungan pa nila talaga,” chika ni Winwyn.

By the way, kasama si Winwyn sa romcom movie with a twist na “The Cheating Game” starring Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Showing na ito ngayon sa mga sinehan kung saan ka-join din sina Martin del Rosario, Paolo Contis, Yayo Aguila, Candy Pangilinan at marami pang iba, mula sa GMA Pictures.

Winwyn first time mag-celebrate ng birthday bilang ina, sinabing ‘greatest gift’ niya si Baby Luna

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey kay Winwyn: Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na ang mag-aalaga sa apo ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending