Winwyn chinika ang kahalagahan ng pakikipag-bonding sa anak

Winwyn Marquez chinika ang kahalagahan ng pakikipag-bonding sa anak: Memories will last a lifetime…

Pauline del Rosario |June 05,2023
facebook
share this

Winwyn Marquez chinika ang kahalagahan ng pakikipag-bonding sa anak: Memories will last a lifetime…

Pauline del Rosario - June 05, 2023 - 02:46 PM

Winwyn Marquez chinika ang kahalagahan ng pakikipag-bonding sa anak: Memories will last a lifetime…

PHOTO: Instagram/@teresitassen

MULING nagpasilip ng kanyang motherhood journey ang Kapuso actress at TV host na si Winwyn Marquez.

Ang kanyang ibinahagi naman ngayon ay kung bakit mahalaga para sa kanya na makasama sa bawat oras ang kanyang anak na si Baby Luna.

Sa Instagram, ibinandera ni Winwyn ang isang video na kung saan ay pinapatulog niya ang kanyang baby at kinakantahan ng “Bahay Kubo” song.

Kasabay niyan ay naikuwento nga niya ang pag-cherish niya sa bawat ganap nila ng anak.

“Every day, I wake up to the sound of my baby’s laughter and cries,” panimula niya sa IG caption.

Chika pa niya, “As I go about my day, I try to cherish every moment I spend with my child.”

“Whether it’s playing with toys, going for a walk, reading a storybook, or nap times like this… every moment spent with my baby is special,” paliwanag niya.

At kaya niya raw ito ginagawa dahil darating din, aniya, ang araw na hindi na niya magagawa ang mga bonding moments nila ngayon.

Baka Bet Mo: Joey kay Winwyn: Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na ang mag-aalaga sa apo ko

“However, as much as I want to hold my baby like this forever, I know that it’s not possible,”sey niya.

“So, I’ll continue to hold my baby tight, and enjoy every moment we spend together, knowing that these memories will last a lifetime [emojis],” ani pa ni Winwyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Winwyn Marquez (@teresitassen)

Maraming mommies naman ang naka-relate sa ibinahagi ng aktres at sumang-ayon na kailangang lubusin ang mga panahon habang bata pa ang mga anak.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Kamiss yung ganyan pa lang na age [crying face emoji].”

“The best moments ever [red heart emoji] enjoy them! I miss my kids [crying emoji].”

“Same here.. Enjoy that moment mommy Wyn [red heart emojis].”

Matatandaan noong May 2022 nang ipinanganak ni Winwyn ang panganay na anak nila ng non-showbiz partner.

Disyembre 2021 naman nang kumpirmahin ng aktres na magiging mommy at inanunsyo niya ‘yan sa harap ng presscon ng kanyang pelikulang “Nelia.”

Noong nakaraang Enero ay inihayag ng Kapuso actress sa madlang pipol na babae ang kanyang first baby.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples Romana inisa-isa ang hugot para sa mga magulang at mga anak, nagbigay ng payo sa pamilyang Pinoy

Winwyn inaatake ng postpartum, ilang araw umiiyak pagkapanganak kay Baby Luna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending