Joey kay Winwyn: Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na ang mag-aalaga sa apo ko | Bandera

Joey kay Winwyn: Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na ang mag-aalaga sa apo ko

Ervin Santiago |May 09,2022
facebook
share this

Joey kay Winwyn: Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na ang mag-aalaga sa apo ko

Ervin Santiago - May 09, 2022 - 07:19 AM

Joey Marquez, Winwyn Marquez at Baby Luna

TULAD ng ibang lolo at lola, super excited na ang veteran actor na si Joey Marquez na maka-bonding nang bonggang-bongga ang unang apo niya kay Winwyn Marquez.

Ayon sa komedyante, looking forward na siyang maalagaan at makalaro nang matagal ang apong si Baby Luna Teresita Rayn.

Kuwento ni Joey sa panayam ng GMA 7, nagpapalakas na ngayon ang anak matapos isilang si Baby Luna. Mabilis naman daw na nakakapag-adjust ang Kapuso actress at dating beauty queen sa sitwasyon nito ngayon.

“Recovering na siya. Kalalabas lang niya ng ospital. Ngayon nasa bahay lang siya, gaining her health back,” pahayag pa ni Tsong Joey.

Chika pa ng lolo ni Baby Luna, super excited na raw siyang makasama ang apo, “Naku, nagdi-deal na kami ni Winwyn. Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na mag-aalaga sa apo ko.”

Ayon pa kay Joey, may agreement na sila ni Winwyn na kapag nagkaanak na ito ay siya ang mag-aalaga sa bata.

“Sinabi ko kay Winwyn, kapag nagkaroon siya ng baby, ang deal namin ako ang mag-aalaga. So she can go back to work,” chika pa ng komedyante.

Kung matatandaan, naiyak talaga ang aktor nang malamang buntis na si Winwyn at makita ang sonogram photo ng baby nito sa loob ng tiyan ng first-time celebrity mom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen)


May mga apo na raw siya sa ibang mga anak pero special daw si Winwyn sa kanya, “Okay nga eh! Kuhang-kuha ‘yung reaction ko. I was very happy for Winwyn. Excited kaming lahat, kami ng Mama (Alma Moreno) niya,” ang mangiyak-ngiyak na sabi ni Joey.

Kung hindi kami nagkakamali, may 16 anak ang beteranong aktor mula sa iba’t ibang babaeng nakarelasyon niya. At proud na proud daw siya sa mga ito.

“Alam mo very protective sila sa isa’t isa. Kapag ‘yung isa naapi, guguyurin nung isa. Parang ganu’n sila,” aniya pa.

“’One day you’ll be a parent. You’ll understand me why I’m like this. And why I’m always on guard in terms of your education. That’s the only thing I can promise you for a better life,’ sabi ko sa kanila,” ang naging pahayag ni Joey sa kanyang mga anak.

Para naman kay Winwyn, itinuturing niyang “greatest gift” para sa kanyang 30th birthday ang pagsilang ni Baby Luna. Last May 4 nagdiwang ng kaarawan ang Kapuso star.

“Things you are praying for will show up when you are most ready for them and happens in the most unexpected way. God’s timing is indeed everything,” ang caption ni Winwyn sa kanyang Instagram photo kung saan yakap-yakap niya ang anak.

Aniya pa, “He gave me a love story better than I could ever dream of and an adorable baby girl to complete our little family.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you for coming into our lives Luna! having you and your dad in my life is the greatest gift of all,” mensahe pa ni Winwyn sa kanyang panganay.

Winwyn first time mag-celebrate ng birthday bilang ina, sinabing ‘greatest gift’ niya si Baby Luna

Joey, Alma naiyak nang malamang pregnant si Winwyn: Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan?

Winwyn baby girl ang unang magiging anak; ayaw pa ring ipakita ang mukha ng dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending