Winwyn inaatake ng postpartum, ilang araw umiiyak pagkapanganak kay Baby Luna | Bandera

Winwyn inaatake ng postpartum, ilang araw umiiyak pagkapanganak kay Baby Luna

Ervin Santiago |May 17,2022
facebook
share this

Winwyn inaatake ng postpartum, ilang araw umiiyak pagkapanganak kay Baby Luna

Ervin Santiago - May 17, 2022 - 07:49 AM

Winwyn Marquez at Baby Luna

FEEL na feel na ng dating beauty queen at Kapuso actress na si Winwyn Marquez ang bagong mundong ginagalawan niya ngayong isa na siyang nanay.

Ayon kay Winwyn, ibang-iba na raw ngayon ang takbo ng kanyang buhay mula nang ipanganak niya ang panganay na si Baby Luna.

Sa kanyang Instagram account, inamin ng aktres at itinanghal na Reina Hispanoamericana 2017 na nakararanas din siya postpartum kabilang na riyan ang halos araw-araw na pag-iyak dahil sa mga pressure ng pagiging mommy.

“Thirty-nine weeks and five days ako pregnant and ibang klase ang journey. But ngayon na Luna is with us, ibang mundo na,” simulang pagbabahagi ni Winwyn.

Aniya pa, halos two weeks daw niyang iniinda ang kanyang postpartum depression, “There are times that I find myself fold under the pressure of it all and cry for days.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen)


Dahil dito, na-realize ng first-time mom na wala siyang dapat ikatakot dahil na rin sa tulong at suporta ng kanyang partner at pamilya pati na rin ng mga kaibigan niyang mga nanay na rin.

“Even if I think I can do everything alone and be a super mom (like I imagined while being pregnant) with my newborn, I can’t yet.

“Laking tulong na may kausap na kaibigan and family, laking tulong na supportive ang partner,” sabi pa ng aktres sa kanyang IG post.

Naniniwala rin siya na sa paglipas ng mga araw ay masasanay din siya sa mga pagbabagong dulot ng pagiging nanay.

“I know a lot of new moms na-experience din ‘to sa unang stage and gusto ko kayong i-hug!

“Hindi madali… madaming questions and fears, pero please remember you are not alone. We can do this, mama, para kay baby kakayanin!” pahayag pa ni Winwyn.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinakikilala ni Winwyn kung sino ang tatay ng kanyang anak pero aniya, maligaya naman siya sa piling ng kanyang non-showbiz partner.

“I’m happy. Kuntento naman ako with my relationship. He is a private person kaya hindi ako makapag-share. Saka gusto ko rin na siyempre may part naman na amin lang. ‘Yon lang ‘yung sa akin ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero happy ako. Happy kami na we’re blessed of something na I really prayed for,” sabi ng aktres sa isang panayam.

Winwyn gustong sampalin ng waitress: OMG! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!?

Winwyn first time mag-celebrate ng birthday bilang ina, sinabing ‘greatest gift’ niya si Baby Luna

Joey, Alma naiyak nang malamang pregnant si Winwyn: Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending