Ivana Alawi umamin: 'May umaway sa aking artista pero hindi ko pinatulan...kung gusto mong makipag-away, mag-isa ka!' | Bandera

Ivana Alawi umamin: ‘May umaway sa aking artista pero hindi ko pinatulan…kung gusto mong makipag-away, mag-isa ka!’

Ervin Santiago |July 24,2023
facebook
share this

Ivana Alawi umamin: ‘May umaway sa aking artista pero hindi ko pinatulan…kung gusto mong makipag-away, mag-isa ka!’

Ervin Santiago - July 24, 2023 - 07:52 AM

Ivana Alawi umamin: 'May umaway sa 'kin pero hindi ko pinatulan...kung gusto mong makipag-away, mag-isa ka!'

Ivana Alawi

“I WILL not stoop down to your level!” Yan ang ipinagdiinan ni Ivana Alawi nang amining may mga artistang umaway sa kanya noon pero hindi na lang niya pinatulan.

Marami-rami ring hindi kagandahang karanasan ang actress-content creator nang pasukin na niya ang mundo ng showbiz lalo na noong nagsisimula pa lamang siya bilang artista.

Rebelasyon ni Ivana, may mga nagmaldita at nagpakita ng kagaspangan ng ugali sa kanya noong bago pa lang siya sa showbiz, kabilang na riyan ang mga Kapuso at Kapamilya stars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa kanyang YouTube vlog na in-upload noong July 18, ni-reveal nga ng dalaga ang mga hinarap niyang challenges bilang baguhang artista, kabilang na ang pambu-bully sa kanya ng ilang nakatrabahong artista.

Sa nasabing vlog, natanong si Ivana kung sino ang “nicest GMA artist you worked with” dahil nakagawa nga siya ng ilang projects sa GMA 7.

“Si Barbie Forteza, hindi ko siya malilimutan kasi madaming maldita sa akin nung nag-i-start ako sa GMA, as in maraming masusungit. Alam mo yun?” ang tugon ni Ivana, sabay turo sa kanyang inang si Fatima Marbella.

Pag-amin pa ng vlogger, “Ayaw tayong bigyan ng puwesto. Ayaw din kaming bigyan ng pagkain. Sinusungitan kami nu’ng mag-ina. Basta marami.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi magbubuhay-reyna kahit hindi na mag-artista; hindi mahilig mag-post ng problema sa social media

“And then, ang pinakanaging mabait sa akin na hindi ko malilimutan, hindi ko pa siya nakakausap after, pero si Barbie Forteza.

“Kasi siya ay sobrang bait. Totoo talaga siya, kaya super blessed niya, because she really has a good heart,” pagbabahagi ni Ivana tungkol kay Barbiena nakatrabaho niya noon sa GMA youth-oriented show na “Reel Love Presents Tween Hearts” na umere noong 2010 hanggang 2012.

Inamin din ni Ivana na may kilalang celebrity din na nang-away sa kanya, “Merong umaway sa akin pero never akong nakipag-away sa kanila. Hindi ko pinapatulan. Meron rin sa recent show namin pero, alam mo yon, I will not stoop down to your level.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kung gusto mong makipag-away, mag-isa ka, pero hindi ko siya kakausapin, hindi ko rin paplastikin,” sey pa ng aktres.

Sa pagkakaalam namin, ang “recent show” na tinutukoy ni Ivana ay ang ABS-CBN series na “A Family Affair” na umere last year kung saan nakasama niya sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake at Jake Ejercito.

Samantala, sa nasabing vlog inamin din ni Ivana na umaabot sa mahigit kalahating milyon ang kinikita niya sa YouTube.

“Iba-iba. May P200,000, P300,000, P400,000, P500,000. Pero, guys, nagbabayad naman ako ng tax. BIR, musta you?

“Nagbabayad naman talaga ako ng tax, kaya wala akong kinakatakot. Pero hindi ko lang gusto i-disclose kasi baka naman isipin niyo ay nagyayabang, ganyan-ganyan. Hindi. Pero dahil tinatanong n’yo nang tinatanong, ayan, okay,” pahayag pa ni Ivana Alawi.

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gerald na-shock sa sex scene nila ni Ivana: Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Di ba, pang-TV ‘to?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending