ChiKapalaran (July 24-30, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! | Bandera

ChiKapalaran (July 24-30, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Therese Arceo - July 24, 2023 - 07:13 AM

ChiKapalaran (July 24-30, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
GOOD morning, Ka-Bandera! It’s Leo season na! Ready na bang maging bida-bida at main character ang lahat? This is your time to shine! Eme! Don’t forget to check your horoscope sa ChiKapalaran for chudeiii para iwas malas.

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Arat na!

 

ARIES (March 21-April 19)

From 1-100, gaano katapang ang besty ko na ‘yan?

Sino lang ba ang magiging matapang na mag-resign sa work kahit na wala pang lilipatan? Ikaw lang beshy! Pero ok lang naman kung talagang hindi mo na matiis ang pagiging gaslighter ng boss mo. Deserve mong mag-thrive sa lugar na suportado ka.

Lucky Color: Red

Lucky Number: 10

Song of the day: Just The Way You Are by Bruno Mars

 

TAURUS (April 20-May 20)

As a Barbie gurl naman pala ang atake ng beshy ko na yan. Dasurv mo naman ang overflowing love from dyowa dahil lately ay panay ang hindi n’yo pagkakaintindihan.

Huwag rin kasing matigas ang ulo para hindi na nagiging isyu ang simpleng bagay. Magbago ka na. Hmp.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 11

Song of the Day: Style by Taylor Swift

 

GEMINI (May 21-June 20)

It’s ok if you are choosing yourself, mars. Ok lang ang biglang mag-shut down at huwag munang pansinin ang ingay ng paligid.

Hindi mali ang piliin ang sarili kaya kung yan man ang magbibigay kapanatagan sa iyo, go! Continue choosing yourself!

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 19

Song of the Day: Daylight by Harry Styles

 

CANCER (June 21-July 22)

Yes? Ano pong atin? Balita ko may plano ka raw maghiganti? Sabi sa ‘yo itigil mo ang kakapanood ng “The Penthouse” at “Dirty Linen”.

Kung may nagkasala man sa ‘yo, patawarin mo at hayaan ang universe na bumawi para sa ‘yo. Si Lord nga nagpatawad. Huwag mong patunayang kampon ka ng kadiliman. Eme!

Lucky Color: White

Lucky Number: 24

Song of the Day: Every Summertime by NIKI

LEO (July 23-August 22)

Hello, mga Leo! It’s your season! Mag-ingaaaaay! Well, tutal at gusto mo ng spotlight, what if simulan mo nang sumali sa Rampanalo ng “It’s Showtime”.

Hinay naman sa pagiging pabibo dahil baka mairita na ang mga beshy mo sa ‘yo at masabunutan ka. Pero other than that, manatili ka lang masaya kahit di mo deserve. Chos.

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 15

Song of the Day: Mabagal by Moira dela Torre

 

VIRGO (August 23-September 22)

Small progress is still a progress, dear. Huwag kang ma-frustrate na hindi mo masabayan ang iba pang mga kaibigan sa trip nila sa buhay, ok lang ‘yun.

Magkakaiba ang goals at responsibilities ng bawat tao. Basta huwag mo lang rin kakalimutan na i-treat ang sarili mo sa paraang deserve mo. Chair up este cheer up!

Lucky Color: Black

Lucky Number: 29

Song of the Day: Pano by Zack Tabudlo

 

LIBRA (September 23-October 22)

To go or not to go? To resign or to stay?

Ito ang mga tanong na nasa isip mo sa ngayon. Alam kong mahirap dahil kalakip ng desisyon ang responsibilidad mo sa buhay. Pero kung hindi ka na nakakaramdam ng productivity at puro negative energy na lang ang nailalabas mo, it’s time to walk away. Pero siyempre kuwento mo yan. Ikaw pa rin magde-decide. (Nagmamahal, beshy mong ayaw masisi. Chareeeeng!)

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 9

Song of the Day: Night Changes by One Direction

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (July 17-23, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

 

SCORPIO (October 23-November 21)

Hindi masama ang magkaroon ng mga standards when it comes to love kasi you deserve the best pero siyempre, iayon mo rin sa katotohanan.

Di ka naman perfect pero gusto mo no flaws na partner? Huuuuy, lahat tayo anak ng Diyos. Walang premium access dito. Mamili nang naaayon sa kaartehan. Chas.

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 13

Song of the Day: Is There Someone Else? by The Weeknd

 

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

You are being too insensitive sa partner mo, Ka-Bandera. Hindi porke hindi niya sinasabi sa ‘yo ang problema ay ibig sabihin wala siyang iniinda.

Idaan n’yo sa bote ang usapan. Go at bumili ka na ng beer para naman kumpleto na ang crybaby starter pack habang pinag-uusapan n’yo ang mga bagay bagay.

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 28

Song of the Day: About You by The 1975

 

CAPRICORN (December 22-January 19)

Nararamdaman ng universe ang problemang pinagdaraanan mo kaya don’t worry dahil the universe got you!

May ipapadala ang universe para maging instrumento at maging sagot sa mga agam-agam mo sa buhay. Huwag kang mahiyang tumanggap ng tulong. This is your sign.

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 5

Song of the Day: Akin Ka Na Lang by The Itchyworms

 

AQUARIUS (January 20-February 18)

Taray ng ating beshie. Palaban sa buhay kaya naman umaapaw ang blessings. Ituloy mo lang ang patuloy na paglaban nang patas sa buhay para more chances of receiving blessings. Pak na pak ka dyan, mami!

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 7

Song of the Day: Fallen by Lola Amour

 

PISCES (February 19-March 19)

Yes, mami. Don’t overthink. Tama ang desisyon mo. Aakalain mo lang sa una na hindi dahil nay adjustments sa pagtanggal ng mga maling tao sa buhay pero eventually ay gagaan rin ang pakiramdam mo.

Basta don’t blame yourself for wanting to be treated right, uki? You got this!

Lucky Color: Indigo

Lucky Number: 20

Song of the Day: I Wanna Be Yours by Arctic Monkeys

 

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Birthday na ni Mami!!! Congratulations! Tumanda ka na naman! May pinagkatandaan naman ba? Eme!

Enjoy your day, sismars! Wag ka na magplano for mga ganap ngayong linggo dahil hindi ok ang weather unless ang tema ng party mo ay dancing in the rain now, lagnat later ang peg. Basta mabuhay ka hangga’t gusto mo and keep slaying, mi!

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 27

Song of the Day: Unang Sayaw by Nobita

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Mga Nagdaang ChiKapalaran:
ChiKapalaran (July 10-16, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

ChiKapalaran (July 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending