Cesar Montano hindi papahuli kina Marco at Cristine, proud kay Diego sa pagiging first time daddy | Bandera

Cesar Montano hindi papahuli kina Marco at Cristine, proud kay Diego sa pagiging first time daddy

Reggee Bonoan |July 22,2023
facebook
share this

Cesar Montano hindi papahuli kina Marco at Cristine, proud kay Diego sa pagiging first time daddy

Reggee Bonoan - July 22, 2023 - 11:46 PM

Cesar Montano hindi papahuli kina Marco at Cristine, proud kay Diego sa pagiging first time daddy

HINDI nawawala ang mga ngiti ni Cesar Montano sa papuri sa kanya ng entertainment media sa ginanap na screening at mediacon ng bagong TV series na “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” sa Gateway Cinema 1 nitong Biyernes ng hapon.

Paano kasi sa edad niyang 60 ay hindi naman nahuli ang itsura niya kay Cristine Reyes edad 34 bilang asawa niya sa kuwento. Sabi nga ‘may asim pa’ ang aktor.

May kilig naman talaga ang tambalang Cesar at Cristine bilang sina Cenon at Helen kaya napapahiyaw ang lahat kapag nagtitigan na ang dalawa.

Kaya natanong ang aktor kung in-expect niya ang positibong reaksyon ng mga nakapanood sa mga kilig moments nila ni Cristine.

“Hindi, actually hindi ko in-expect and even Us kaming na alam na namin ang istorya at nao-overwhelm kami sa nangyayari. Kaya talagang tuwang-tuwa ako kasi gano’n ka-effective ang bawa’t scene, ganu’n ang impact ng istorya sa audience. Siyempre pag ganu’n ibig sabihin we’re doing our job well,”sagot ni Cesar.

Dagdag pa niya, “kinikilig talaga ako tapos may naghihiyawan pa, nadadamay ako. Sa kanilang dalawa (Marco at Cristine) kinikilig ako, eh. They’re beautiful couple on and off screen.”

Baka Bet Mo: Cesar Montano nagtapos ng master’s degree in public safety administration, grumaduate sa edad 60

Halatang ingat ang aktor sa mga eksenang nagkakalapit sila ni Cristine bilang co-star at respeto rin kay Marco Gumabao na boyfriend ng aktres.

Anyway, abangan ang magandang kuwento ng “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” simula sa Lunes, Hulyo 25 sa ganap na 4:40PM na mapapanood Sari Sari Channel na available sa Cignal TV, SatLite Ch. 3 at Cignal Play mula sa direksyon nina Jerome Pobocan at Claudio ‘Tots’ Sanchez-Mariscal.

Samantala, hiningan ng reaksyon si Cesar bilang bagong lolo ngayon dahil may anak na si Diego Loyzaga.

Ayon sa proud lolo, “sa picture pa lang. Naiwan yata abroad. Siya pa lang ang bumalik dito to make a film. Ngayon babalik siya uli doon. Hindi pa niya dinadala rito. Excited na nga akong makita sa personal.”

Payo naman ni Cesar sa anak, “I trust Diego a lot that he will be a better and responsible father. Siya pa lang excited na kinukuwento niya sa akin. Ako mag-i-spoil d’yan sabi ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sunshine inalala kung paano pinaglaban ang mga anak nang mawalay kay Cesar, umasenso dahil sa pagiging ‘matipid’

Sunshine game na game makatrabaho uli si Cesar: ‘Oo, naman! Alam nating napakahusay talaga niyang artista’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending