Bagyong Egay posibleng maging ‘Super Typhoon’ sa mga susunod na araw –PAGASA
POSIBLENG umabot sa “Super Typhoon” category ang bagyong Egay na nasa Luzon.
‘Yan ang naging babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong July 21 sa kanilang latest press briefing.
Paliwanag ni Weather Specialist Ana Clauren-Jorda, “Pagdating sa intensity o lakas nitong bagyo posible nga rin po itong lumakas into a Tropical Storm category within the next twelve hours at bukas posibleng nasa Severe Tropical Storm category, at pagdating ng Linggo makikita po natin nasa Typhoon category na itong si bagyong Egay, and by Monday posible po itong umabot sa Super Typhoon category.”
“Kaya hindi po basta-basta o hindi dapat natin ipagwalang bahala itong mino-monitor natin si Bagyong Egay dahil malawak po ito at may malakas na hangin na dala,” sey pa niya.
Baka Bet Mo: Malisyosong basher sunog na sunog kay Nadine: Of course I’m worried + para kang t*nga!
Nabanggit din ng weather bureau na asahang magtataas sila ng wind signals sa ilang bahagi ng bansa simula bukas.
“Inaasahan na magtatass po tayo ng Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas, partikular na sa Eastern portion simula po bukas ng gabi o early Sunday,” sambit ni Clauren.
Ayon sa PAGASA, kaninang umaga lang naging bagyo ang Low Pressure Area at pinangalanan itong Egay.
Huli itong namataan sa Silangan ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas na hangin na 55 kilometers per hour at bugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Sa kasalukuyan ay wala pang epekto sa bansa ang bagyo, ngunit asahan ang mga pag-ulan sa mga darating na araw na dulot din ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
“Kung makikita po natin sa ating Satellite Imagery ay wala pa po itong direktang epekto sa anumang bahagi po ng ating bansa at ‘yung Habagat o Southwest Monsoon medyo na-eenhance o napapalakas niya na po ngayon, pero ang intensity ng Habagat po natin ngayon ay weak pa o mahina pa po kaya inaasahan lamang po natin ito na nakakaapekto sa bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas ngayong araw,” sey ng weather specialist.
Dagdag pa niya, “Magsisimula po ‘yung mga rainshowers o ‘yung mga pag-ulan na dala po nitong bagyong si Egay by Sunday to Monday dito po sa bahagi ng Catanduanes at Northern Samar.”
Read more:
Beatrice Gomez muling nanawagan ng tulong para sa mga biktima ni Odette: We cannot make them wait
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.