Sunshine hindi siniraan si Cesar: 'Never ko tinuruan ang mga anak ko na magalit sa tatay nila kasi that’s unfair' | Bandera

Sunshine hindi siniraan si Cesar: ‘Never ko tinuruan ang mga anak ko na magalit sa tatay nila kasi that’s unfair’

Ervin Santiago |July 17,2023
facebook
share this

Sunshine hindi siniraan si Cesar: ‘Never ko tinuruan ang mga anak ko na magalit sa tatay nila kasi that’s unfair’

Ervin Santiago - July 17, 2023 - 07:56 AM

Sunshine hindi siniraan si Cesar: 'Never ko tinuruan ang mga anak ko na magalit sa tatay nila kasi that’s unfair'

Cesar Montano at Sunshine Cruz

NEVER tinuruan o inimpluwensiyahan ng aktres at singer na si Sunshine Cruz ang tatlo niyang anak na magalit sa kanilang amang si Cesar Montano.

Kaya naman hindi naging mahirap para kina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska ang maging close muli sa kanilang tatay makalipas ang mahabang panahon.

Nabanggit ng aktres sa interview sa kanya ng Kapamilya broadcaster at news anchor na si Karen Davila, na mula noong magkahiwalay sila ni Cesar ay hindi niya ito siniraan sa kanilang mga anak.

Napag-usapan nila ni Karen kung paano sila nagkaayos ni Cesar at ano ang ginawa ng aktor para pumayag siya na  makasama uli nito ang tatlo nilang anak na mga dalaga na ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


“Noong na-COVID si Cesar, almost na-intubate ‘yan e. After that, I don’t know, siguro talagang darating sa ganoon Miss Karen,” simulang pahayag ni Sunshine.

Baka Bet Mo: Cesar Montano senior citizen na, super happy nang makumpleto ang anak sa 60th birthday party

“Naging closer sila ng mga anak ko, and everytime that they will go out, lalabas, magdi-dinner, nakikita ko kung gaano kasaya ang mga anak ko everytime na kasama ang tatay nila.

“Papasok agad sa kwarto ko iyang mga ‘yan, ikukwento nila kung anong activities nila with Cesar, with their little siblings, with Cath, iyong partner ngayon ni Cesar at nakikita ko kung gaano kagalak ang puso ng mga anak ko,” sabi pa ng aktres.

Sey pa ng aktres, noon pa raw naman siya handang makipag-ayos kay Cesar alang-alang sa kanilang mga anak dahil alam niyang kailangan din ng mga bata ang father figure.

“So ako naman, kahit naman before, willing naman ako eh, na parang pwede namang maging civil man lang tayo for the kids,” sey ni Sunshine.

Ipinagdiinan pa niya, “Kasi mahal naman ng mga anak ko si Cesar talaga at never ko tinuruan ang mga anak ko na magalit sa tatay nila kasi that’s unfair.

“Kung ano iyong issue namin ni Cesar, tayo lang,” chika pa Sunshine.

Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending