Handler ni Enrique Gil pinagbawalang pag-usapan si Liza at mag-focus na lang daw sa projects ng binata, true kaya? | Bandera

Handler ni Enrique Gil pinagbawalang pag-usapan si Liza at mag-focus na lang daw sa projects ng binata, true kaya?

Reggee Bonoan |July 15,2023
facebook
share this

Handler ni Enrique Gil pinagbawalang pag-usapan si Liza at mag-focus na lang daw sa projects ng binata, true kaya?

Reggee Bonoan - July 15, 2023 - 03:40 PM

Handler ni Enrique Gil pinagbawalang pag-usapan si Liza at mag-focus na lang daw sa projects ng binata, true kaya?

TRULILI ba na sa dalawang mediacon ni Enrique Gil ay binilinan ng handler niya ang mga imbitadong media na walang magtatanong tungkol kay Liza Soberano at tungkol lang sa projects niya ang pag-usapan?

“As much as possible kasi ayaw nang pag-usapan ni Quen si Liza kasi may iba naman itong ganap, so dapat ganap lang ni Quen ang pag-usapan,” bungad ng aming source.

Hirit namin, e, nagbigay naman si Enrique ng update sa “TV Patrol” tungkol sa estado nila ni Liza.

“Actually, na-rattle si Quen, ha, ha, haha. Alam mo naman ang TV Patrol hindi puwedeng walang soundbite, hindi puwedeng promo-promo lang, “sabi pa ng aming source.

Tanong ulit namin buti nailusot ang tanong, “Hindi napansin ng kaibigan natin eh, nasa malayo raw siya nu’ng sumalang si Quen sa Patrol. Sa tingin mo okay naman ang sagot? Puro we’re good, we’re good sagot, di ba? Kasi nga hindi niya masabi ang totoo.”

Actually marami rin naman ang nagtatanong kung ano ba ‘yung ‘were good and we support each other’ na sagot ni Enrique tungkol sa relasyon nila ni Liza.

Baka Bet Mo: Enrique Gil sinubukan pang i-save ang relasyon nila ni Liza Soberano, pero…

Bakit hindi niya sinagot na, ‘yes kami pa or hindi true na we broke up.’ Dapat ganu’ ka-diretso.

“E, alam naman natin ang totoo, di ba? Magkaibigan naman din kasi ang dalawa pero wala nang relasyon na mag-dyowa. Hoping si Quen na makagawa sila ng project ni Liza kaya ganu’n ang lolo plus mahal pa rin niya talaga si Hope,” diin ng aming kausap.

At nabanggit pa ng aming source na sa tuwing may mediacon daw si Enrique ay piling-pili ang press na iimbitahin dahil ayaw niya ng isyu.

“’Yung sa announcement nga ng movie na gagawin niya PR lang ng ABS (CBN) nandoon, ayaw pa ni Quen humarap sa maraming media kasi alam naman niya ang itatanong,”tsika pa ng aming kausap.

Dagdag pa, “basta, wait mon a lang kung kailan sila aamin na wala na sila. Basta tayo alam na natin, ha, ha, hahaha. Saka read between the lines na lang sa interview niya sa (TV) Patrol).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Liza natakot nang ialok kina Enrique at Kathryn ang ‘Hello, Love, Goodbye’; nagalingan kay Jane bilang Darna

Enrique Gil may update sa ‘relationship status’ nila ni Liza, magbabalik showbiz after 3 years

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending