Herlene Budol hakot awards, nasungkit ang titulo bilang Miss Philippines Tourism 2023 | Bandera

Herlene Budol hakot awards, nasungkit ang titulo bilang Miss Philippines Tourism 2023

Therese Arceo - July 14, 2023 - 07:29 PM

Herlene Budol hakot awards, nasungkit ang titulo bilang Miss Philippines Tourism 2023

NASUNGKIT ng komedyana at beauty queen na si Herlene Budol ang titulo bilang Miss Tourism Philippines 2023 sa nagdaang coronation night ng Miss Grand Philippines 2023 kahapon, July 13, sa MOA Arena.

Bukod sa titulong Miss Tourism Philippines 2023, talaga namang maituturing na crowd favorite ang dalaga dahil hakot na hakot nito ang mga awards sa naturang beauty pageant.

Wagi si Herlene bilang Miss Bluewater Day Spa, Miss Ever Bilena, Miss Arena Plus, Miss Mermaid Manila Hair.

Nasungkit rin ng Kapuso actress-comedienne ang award bilang Best in Runway.

Pero sa kabila ng mga natanggap na award at papremyo ay usap-usapan ng mga netizens ang naging reaksyon ng dalaga matapos tawagin ang pangalan niya para sa titulong Miss Tourism Philippines 2023.

Mukha kasing kahit na nagwagi ng title si Herlene ay makikita sa mukha nito ang tila pagkadismaya sa naging resulta ng kanyang Miss Grand Philippines journey.

Isa ang dalaga sa mga kandidatang matunog ang pangalan sa kompetisyon at aware naman ang lahat na isa sa goal ni Herlene ay ang makamit ang korona at maging representative ng Pilipinas para sa Miss Grand International 2023 na gaganapin sa Oktubre sa Vietnam.

Kaya siguro ganon na lang ang naging reaksyon ni Herlene nang matawag siya dahil hangad niya ang maging Miss Grand Philippines 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Herlene Budol pasok sa Top 15 finalists ng Miss Grand Philippines 2023, iba pang kandidata pinangalanan

Marami na rin naman ang nag-expect na mabibigo ang dalaga sa pagsungkit ng korona gawa ng naging sagot nito sa question and answer portion matapos makapasok sa Top 10.

Matatandaang nag-trending kamakailan ang dalaga matapos ang “dog show” nitong pagsagot sa question and answer portion sa ginanap na sashing ceremony ng naturang patimpalak.

At tulad noon, may ilang mga ganap si Herlene na nagpakita na talagang kinakabahan siya kaya lumabas ang pagiging natural niya.

Samantala, naging maayos naman ang sagot nito sa naging tanong sa kanya ni Nancy Go kung ano nga ba ang “most urgent problem” ng mga kabataan ngayon at ano ang kanyang magagawa para masolusyunan ito kahit na halatang kinabahan ito.

Sagot ni Herlene, “Ang pinakamalubhang problema ngayon ng kabataan ay edukasyon. Kailangan ng mga kabataan ngayon ay ang edukasyon para mamulat sa kinabukasan. Naninivala pa rin po ako sa, kasabihan na, ‘Ang kabataan ang kinabukasan ng bayan’.

“Para maging pandayo tayo, taas-noo, dahil Pilipino tayo. Kagaya ko, malit lang ang bansa ko pero pinagmamalaki ko.
Salamat po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nakatakdang lumipad pa-London si Herlene upang maging representative ng Pilipinas sa Miss Tourism World sa Nobyembre.

Related Chika:
Herlene Budol iniyakan ang pamamaalam ng TVJ sa GMA, umaming inalok na maging host sa bagong ‘Eat Bulaga’

Herlene Budol sasabak sa Miss Grand Philippines 2023: ‘Kapal ng mukha lang po ang number 1 puhunan ko sa buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending