Andrea Brillantes tuluyan nang naka-move on na kay Ricci Rivero

Andrea Brillantes tuluyan nang naka-move on na kay Ricci Rivero, mas natagpuan ang ‘inner peace’

Pauline del Rosario |July 14,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes tuluyan nang naka-move on na kay Ricci Rivero, mas natagpuan ang ‘inner peace’

Pauline del Rosario - July 14, 2023 - 11:21 AM

Andrea Brillantes tuluyan nang naka-move on na kay Ricci Rivero, mas natagpuan ang ‘inner peace’

PHOTO: Instagram/@blythe

KASABAY ng pagmo-move on mula sa kontrobersyal na paghihiwalay nila ng basketball player na si Ricci Rivero, ibinunyag ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang ilan sa mga realizations niya sa buhay.

Ayon kay Andrea, napagtanto niya na may isang punto talaga sa buhay ng tao na mararanasan ang panloloko.

Wala nang binunyag na pangalan si Andrea, pero nag-open up siya patungkol sa kanyang break-up matapos ma-interview ng lifestyle magazine na Preview.

“Lahat naman ng tao naloloko,” sey niya habang binabanggit na hindi na siya naaapektuhan ng mga balita tungkol dito.

Dagdag pa niya, “Natatawa lang ako pero hindi ako naapektuhan by it. Siguro kung maapektuhan ako, naiinis lang ako sa mga tao na hindi pa maka-move on.”

“Ako nga, okay na okay na ako. Pero wala akong magagawa about it eh. May bagong headline, okay. Kahit ang OA ng iba, okay,” patuloy ng aktres.

Baka Bet Mo: DJ Jhai Ho sumusumpang hindi siya ang nagpakalat ng viral video nina Ricci at ‘Tapis Girl’; Andrea naka-move on na matapos mawasak ang puso

Inamin din ni Andrea na nagdulot din ng magandang epekto para sa kanya ang hiwalayan nila ni Ricci, dahil dito niya raw nakita ang kanyang “growth,” pati na rin ang kanyang “inner peace.”

“Sobrang nakatulong ‘yung break-up kasi [doon ko na-realize] na [hindi na] ako baby. Yung inner peace ko, nabuo ko na sya eh,” chika niya.

Matatandaang nagpa-interview si Ricci sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan sinagot nito ang mga katanungan ukol sa naging paghihiwalay nila ni Andrea.

Isa na nga sa mga sinagot ng binata ay ang nag-viral na larawan kung saan nahuli siya ng dalaga na may kasamang babae sa kanyang condo.

Pagpapaliwanag ni Ricci, wala raw kaugnayan sa kanya ang naturang babae na nakita ni Andrea at kasama raw ito ng kanyang kaibigan nang bisitahin siya sa tinitirhan.

Matapos mag-trending ang pahayag na ‘yan ni Ricci, ibinunyag ng host na si DJ Jhaiho na agad niyang tinext ang dalaga upang tanungin kung may katotohanan nga ba ang mga sinasabi ng basketbolista.

Sagot sa kanya ni Andrea, “LOL. Nakalimutan niya yatang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl…hubad sa kuwarto niya. Tulog siya (Ricci).”

Related Chika:

Maxene Magalona may tips para magkaroon ng ‘inner peace’: First, we pray…then we play

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jodi mas pipiliin ang magpatawad kesa maghiganti kapag niloko ng asawa: It’s for your own peace…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending