DJ Jhai Ho sumusumpang hindi siya ang nagpakalat ng viral video nina Ricci at 'Tapis Girl'; Andrea naka-move on na matapos mawasak ang puso | Bandera

DJ Jhai Ho sumusumpang hindi siya ang nagpakalat ng viral video nina Ricci at ‘Tapis Girl’; Andrea naka-move on na matapos mawasak ang puso

Ervin Santiago - July 10, 2023 - 07:39 AM

DJ Jhai Ho sumusumpang hindi siya ang nagpakalat ng viral video nina Ricci at 'Tapis Girl'; Andrea naka-move on na matapos mawasak ang puso

Andrea Brillantes, Ricci Rivero at DJ Jhai Ho

MARIING dinenay ng TV host at komedyanteng si DJ Jhai Ho na siya ang nagpakalat ng video ni Ricci Rivero kasama ang babaeng pinagselosan ng ex-dyowa niyang si Andrea Brillantes.

Ayon kay Jhai Ho, wala siyang alam sa nag-viral na video kung saan makikita ang isang babaeng nakatapis ng tuwalya na lumabas mula sa comfort room ng condo unit ni Ricci.

Nakachikahan namin ang TV at online host sa Beautederm HQ sa Angeles City, last Friday, July 7, kung saan nakasama rin niya ang dalawa pang brand ambassador ng beauty company ni Miss Rhea Tan, sina Kakai Bautista at Thia Thomalla.

Kuwento ni DJ Jhai Ho, nagkita pa sila ni Ricci after ng kanyang rebelasyon  tungkol sa naging tsikahan nila ni Andrea about the viral video na talagang pinagpiyestahan ng madlang pipol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Si DJ Jhai Ho ang nagkumpirma na totoong nahuli ni Andrea na may kasamang babae si Ricci sa loob ng kanyang condo unit na siyang naging ugat ng breakup nila.

Nang tanungin niya si Andrea tungkol sa isyu ang sagot nito ay, “LOL. Nakalimutan niya atang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl.” Ito rin ang ibinahagi ng DJ sa June 30 episode ng online show na “Marites University” kung saan siya nag-co-host.

Last July 6, bumisita si Ricci sa “Iskovery Night” ng Scott Media ni Isko Moreno at nakita nga siya ni Jhai Ho na naroon din sa studio kung saan nagte-taping din ang kanilang online show.

Chika ni DJ JhaiHo, “Siguro wala silang idea at first na doon din yung studio ng Marites University. Pagpasok nila, nadaanan nila yung studio namin, may shoot kami.

“Pagdating po nila du’n, nakita po nila kami sa studio. Hindi naman kami nakapag-approach, kasi dumiretso sila sa dressing room. Mula sa dressing room, dumiretso ng salang,” aniya pa.

“We tried to ask sa manager, sa handler, kung gusto ba niyang sumagot sa amin. Huwag na daw po. Kasi nakapag-judge na daw po kami. Hindi kami nagpang-abot. Kasi sarado. Pero nung dumaan siya, nakita namin. Kasi naka-open yung room namin,” sey pa niya.

Sa tanong kung nakita ba siya ni Ricci sa studio “Nakita niya po. Kasi sa dressing room, may monitor na TV. May monitor po na TV, so nakita niya. So yun po, sinubukan namin. Nagpatanong kami sa mga staff namin, ‘Itanong n’yo naman, baka gustong magsalita.’

Baka Bet Mo: True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

“Actually, nag-message ako sa handler niya. Sinabi sa akin na parang, ‘We’re friends,’ messaging me as a friend, pero parang nakapag-judge naman na daw, ganu’n.

“Ang nangyari, in-explain ko sa manager niya na before ko kinausap si Andrea, as a friend din si Andrea dahil kasama ko sa Pangako Sa ‘Yo before. Tinanong ko naman si Ricci nung June 15 bago siya mag-Fast Talk with Tito Boy. But he declined.

“So, nu’ng sinasabi nila na parang kay Andrea lang ang hiningi kong side, sabi ko, ‘Hindi! Mali yan!’ Kasi yung first ko ngang tinanong, si Ricci pero nag-decline, di ba? So sabi ko, ‘Hindi niyo pwedeng sabihin na hindi ako humingi ng two sides.’

“Kasi sabi ni Ricci nung gabing tinanong ko siya, ‘Huwag na po muna, Mama Jhai. Ayoko pong palakihin yung isyu.’ Basta after niyang magsalita sa Fast Talk niya with Tito Boy, yung mga lumabas na memes, kinuha ko tapos sinend ko kay Andrea. Tapos yun ang naging sagot,” pagbabahagi pa ni Jhai Ho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inamin din ni Jhai na hindi siya nagpaalam kay Andrea na ise-share niya sa publiko ang naging usapan nila, “To be honest, kung papanoorin nyo ang Marites University, sinabi ko talaga du’n.

“Sabi ko lang, ‘Kailangan ko yatang i-reveal to. Sorry, Blythe (Andrea).’ Kasi hindi ko lang nagustuhan yung about sa, ‘We sleep together,’ na parang feeling ko lang, kailangan kitang tanungin,” aniya pa.

Ni-repost pa nga raw ni Andrea ang isang meme tungkol sa pagkumpirma niya na nahuli niya may ibang babae si Ricci, “I’m sure, napanood na niya dahil sa friends kami sa Facebook, pino-post naman niya yung memes na ito ang naging statement niya.

“Sa private account niya yun, ha? Nakita ko naman yun. Tapos yung mga handlers namin sa Star Magic, nag-react naman sila dun. Wala naman silang ano sa inilabas ko,” ani Jhai na nagsabing friend pa rin sila ni Andrea hanggang ngayon.

Tinanong din namin siya kung totoong naka-move on na si Andrea sa breakup nila ni Ricci, “Super! Super-move on siya. She’s very happy.

“Ang alam ko lang, parang ang tsikahan niya, ‘Ano ba? Tama na! Ako nga, hindi na nagsasalita dahil ayoko na ng tsika. At gusto ko, peace for myself.’

“Parang yun naman ang sabi niya du’n sa pagse-share niya, nakita ko. Parang wala sa kanya, parang she’s okay at happy naman,” aniya pa.

Andrea sumusumpa na hindi pinagsabay sina Seth at Ricci: Wala pa talaga akong planong mag-boyfriend ulit, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ricci Rivero pwedeng kasuhan ni Andrea Brillantes ng ‘Violation Against Women And Children’ kung…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending