Kakai maraming 'trauma' sa lovelife: Hindi na puwedeng pasyunga-syunga, kesyo gusto akong i-date, nilalandi sa phone, bibigay na 'ko...Dyusko!' | Bandera

Kakai maraming ‘trauma’ sa lovelife: Hindi na puwedeng pasyunga-syunga, kesyo gusto akong i-date, nilalandi sa phone, bibigay na ‘ko…Dyusko!’

Ervin Santiago - July 13, 2023 - 06:25 AM

Kakai maraming 'trauma' sa lovelife: Hindi na puwedeng pasyunga-syunga, kesyo gusto akong i-date, nilalandi sa phone, bibigay na 'ko...Dyusko!'

Kakai Bautista

KAHIT ilang beses nang nabigo sa larangan ng pag-ibig ay hindi pa rin naman sumusuko si Kakai Bautista pagdating sa usaping love.

Aminado ang singer-comedienne na ilang beses na siyang na-trauma sa pakikipagrelasyon pero hindi raw ito ang magiging dahilan para masira o mapariwara ang kanyang buhay.

Hindi binanggit ng tinaguriang Dental Diva kung sinu-sino ang mga lalaking nakarelasyon niya noon ang nanakit sa kanya ngunit sinabi ng komedyana na marami rin siyang natutunan mula sa mga naranasang breakup.

“Hindi naman ako sumusuko. Sabi ko nga sa isang interbyu with Tito Boy (Abunda) na sobrang happy ko ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kumbaga, wala na siya sa listahan ko. If ever na mai-in love ako, yun na talaga, gugustuhin ko, yun na talaga!

“So, hindi ako puwedeng pasyunga-syunga ulit na… kesyo gusto akong i-date, nilalandi ako sa phone, bibigay na ako. Dyusko! Ang tanda na para sa ganu’n, hindi pa ba ako natuto?” ang chika ni Kakai nang makausap namin sa Beautedern Headquarters sa Angeles City na pag-aari ni Miss Rhea Anicoche-Tan.

Natanong din siya kung marami siyang trauma na naranasan pagdating sa isyu ng love, “Ay, oo! Marami akong traumas, pero I consider all those traumas na learnings from my past.

“So, maingat na ako ngayon. Nagdi-date naman ako, may mga kausap naman ako. Pero choice ko lang talaga not to give in into a relationship.

Baka Bet Mo: Maxene Magalona nag-post ng crying selfie: ‘I felt free, light and happy’

“Kasi sabi ko nga, gusto ko kapag na-in love ulit ako, talagang wala ng mga issues. Wala nang ganito, okay na, stable na ako. Yung dyodyowain ko, stable na.

“Okay din siya emotionally and mentally. So ngayon, ine-enjoy ko lang. Kumbaga, preparing na pero hindi ako nagko-close ng door,” pahayag ng komedyana.

Matatandaang sunud-sunod ang naging hugot ni Kakai about love na kanyang ipinost sa Facebook tulad ng, “Minsan gusto din talagang lumandi at mamansin ng lalake pero kapag naiisip ko yung mga bayarin, gusto ko pang ma-achieve para sa sarili ko, NAGIGISING ako sa KATOTOHANANG di ko kailangan ng LALAKE para sumaya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“KAILANGAN ko PERA. Don’t get me wrong, naniniwala padin ako sa Wagas na Pag-ibig. Di na nga lang ako niniwala na kaya kang buhayin ng PAG-IBIG lang.

“Both men and women should be financially independent and stable before going into a serious relationship or marriage.

“BAKIT? Napakapangit pag-awayan ang wala kang ipapangdate, igagastos sa kasal, ipapakain sa mga anak mo, ipapang-aral at ipapang-ospital kung may magkasakit.

“Lalo na ang mga kababaihan. Kailangan financially independent. BAKIT? Kase laging kawawa ang babae sa hiwalayan lalo na kapag wala syang sariling pera.

“Mental, Emotional, Physical and Financial Stability is the KEY to a HAPPY inter-personal relationships whether it is ROMANTIC or PLATONIC.

“So, PagHANDAAN mo ang TUNAY NA PAG-IBIG!” aniya pa.

Janella Salvador na-trauma sa ex-boyfriend: Kapag mga lalaki tapos lasing…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxene ginagamit na ‘gamot’ ang buwan at mga bituin kapag inaatake ng mental health problems; bumabalik ang trauma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending