Kim Chiu agaw-pansin sa ‘basahan’-inspired na OOTD

Kim Chiu agaw-pansin sa ‘basahan’-inspired na OOTD, hirit ng netizens: ‘Kahit anong suot pak na pak!’

Pauline del Rosario |July 07,2023
facebook
share this

Kim Chiu agaw-pansin sa ‘basahan’-inspired na OOTD, hirit ng netizens: ‘Kahit anong suot pak na pak!’

Pauline del Rosario - July 07, 2023 - 08:29 AM

Kim Chiu agaw-pansin sa ‘basahan’-inspired na OOTD, hirit ng netizens: ‘Kahit anong suot pak na pak!

PHOTO: Instagram/@chinitaprincess

MARAMING netizens ang napa-wow sa kakaibang “outfit of the day” o OOTD ng TV host-actress na si Kim Chiu.

Paano ba naman kasi, ang kanyang isinuot ay gawa sa basahan at retaso!

“Basura man sa inyong paningin, may magmamahal at magmahal din,” caption ni Kim sa kanyang Instagram post.

Ani pa niya, “[red heart emoji] Category is ‘panglinis’ Avant Garde!”

Kasabay niyan ay pinasalamatan niya ang mga taong gumawa ng kanyang damit.

Sey niya, “Thank you @_ha.mu_ for this beautiful creation! [smiling face with hearts emoji] Very Melanie Dela Cruz.”

Baka Bet Mo: Kim Chiu nag-iiyak, nagkulong sa CR nang tuksuhin ng mga kaklase sa school, anyare?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Libo-libong netizens naman ang napa-comment at napa-react sa “basahan” OOTD ni Kim.

Narito ang ilan sa mga kwela nilang komento:

“Ai, Ang Ganda…sa nagdadala lng yan! Ang pinaka Ganda ay pagkatapos suotin pwede pa panglinis pra isang labahan lng!”

“Grabe talaga ang nag-iisang Kim Chiu! Kahit anong isuot pak na pak pa rin!!! [clapping hands emojis]”

“‘Yung kahit basahan amg isout mo maganda ka parin. CONGRATS on your new series Kimmy!”

“Pwede mo na ilampaso ang mga basher mo [laughing face emojis].”

Ang naturang post ay parte ng kanyang promotion para sa nalalapit niyang comedy drama show na pinamagatang “Fitcheck Confessions of An Ukay Queen.”

Isa itong Amazon Original series na prinoduce ng ABS-CBN Entertainment at Dreamscape Entertainment. 

Ang kwento ng serye ay iikot sa isang tindera ng ukay-ukay na may pangarap na maging isang fashion designer.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marian adik sa pagbili ng basahan online: Mahilig kasi ako sa mga butingting at kung anik-anik

Banat ni Kylie Verzosa sa basher na nakialam sa kanyang OOTD: ‘Dapat iba na rin IG ng mga matatanda!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending