Marian adik sa pagbili ng basahan online: Mahilig kasi ako sa mga butingting at kung anik-anik | Bandera

Marian adik sa pagbili ng basahan online: Mahilig kasi ako sa mga butingting at kung anik-anik

Reggee Bonoan - March 02, 2022 - 05:25 PM

Marian Rivera at Zia Dantes

NAALIW kami sa kuwento ni Marian Rivera tungkol sa pagkahilig niya sa mga basahan na ginagamit daw niyang pamunas sa buong kabahayan nila.

Ito raw ang paborito niyang ino-order kapag nag-o-online shopping siya. Mga gamit daw sa bahay ang kalimitan niyang ina-add to cart.
                                                     
“May nabili akong basahan na 35 pesos lang at pag pinunas mo sa basa at pag nilabhan mo, hindi hassle. Malaking bagay kapag mega sale,” ang pahayag ng asawa ni Dingdong Dantes sa virtual mediacon ng Shopee kung saan pormal siyang ipinakilala bilang bagong celebrity endorser.

Alam namin ang binabanggit na basahan ng mega-mom nina Zia at Ziggy Dantes dahil ito rin ang lagi naming binibili sa nasabing online app na nasa 100 piraso na ang nabili namin dahil absorbent talaga at matibay pa.

Aminadong shopaholic ang aktres at TV host at hindi niya pinatatagal sa cart ang mga napipili niya, “Mahilig kasi akong bumili ng mga butingting at kung anik-anik para sa kitchen namin kasi nagluluto ako, so, gusto ko maayos at maganda ‘yung mga gamit na kayang-kaya mo (ang presyo).

“Saka kapag namimili ako, tsine-check out ko na agad hindi na ako nag-iisip kasi baka mamaya pagsisihan mo kasi baka pagtingin mo, ‘ay sold out na,’” paliwanag ng aktres.

Maging ang anak ng aktres na si Zia kapag may bibigyan siya ng regalo ay sa nasabing online shopping app na rin siya namimili at nagpapaalam lang sa mommy niya para i-guide siya.

Anyway, masaya si Marian dahil kasama na niya ang mag-ama niyang sina Dingdong at Zia bilang endorser ng nasabing online app.

View this post on Instagram

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


* * *
                                                     
Nalalapit na ang back-to-back grand finale ng “Sing Galing”, ang original videoke kantawanan ng bansa ng TV5, at mangyayari ito sa magkasunod na Sabado. 

Bilang engrandeng pagtatapos sa tagumpay ng programa, maraming hatid na “historic firsts” at mga sorpresa ang programa para sa mga Ka-awitbahay.   
                                             
Tampok ang partnership ng programa sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang back-to-back Saturdays ng Ultimate Pa-Sing-Katan para celebrity edition at ang Kantastic Finale para sa regular edition ay magaganap sa NCCA-owned Manila Metropolitan Theater. 

Ang “Sing Galing,” ang first TV show in history na magdadaraos ng back-to-back finale sa Manila Metropolitan Theater, na kamakailan lang muling nagbukas sa publiko matapos ang 25 taon.

Ipinahihiwatig nito ang suporta at pagkilala ng NCCA sa “Sing Galing” at sa pagkilala ng programa ng Pambansang Araw ng Videoke sa darating na Marso 12. Ipinagmamalaki ng Sing Galing na ipagdiwang ang natatanging araw na ito sa makasaysayang institusyon ng kultura at pagtatanghal sa bansa.

Ipinagmamalaki rin ng “Sing Galing” ang partnership nito sa Facebook at ito ang magiging kauna-unahang TV show sa Pilipinas na gagamit sa FB Messenger bilang official voting platform para ang mga Ka-awitbahay ay makaboto sa kanilang Ultimate BidaOke Sing-lebrity at Ultimate BidaOke Star ng walang bayad. 

Tampok bilang grand finalists ng show sina “Ultimate Star Hunk” Aljur Abrenica, “Rakstar ng Teatro” Pepe Herrera, “Coverboy Crushie” Patrick Quiroz, “Pambansang Baby” Boobsie Wonderland, “Pambansang Adonis” Jerald Napoles, at “80s Cool Kid” Chuckie Dreyfus. 

Pasok na sila sa finale week at makikilala ang winner sa darating na Sabado, Marso 5. Ang official list naman ng five grand finalists o “Kantastic 5” para sa regular edition na maglalaban-laban sa Kantastic Finale ay i-a-anunsiyo sa Marso 3 at Marso 10.

Huwag palampasin ang Ultimate Pa-Sing-Katan at Kantastic Finale ng Sing Galing sa Marso 5 at Marso 5, 6 p.m. Mapapanood ito sa TV5 at via livestream sa Sing Galing Facebook at TV5 Facebook at YouTube.

https://bandera.inquirer.net/300369/marian-inakyat-si-beatrice-sa-stage-ng-miss-universe-2021-sigaw-sa-pinoy-fans-proud-tayo-di-ba

https://bandera.inquirer.net/286522/julie-anne-kering-keri-magdrama-magpatawa-magpakilig-heartful-cafe-pasabog-ang-ending

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281074/fans-nina-mikee-at-kelvin-humihirit-agad-ng-lost-recipe-book-2-magkaagaw-pasabog-ang-ending

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending