Vice super happy sa piling ng asawang si Ion: 'Ito yung estado ng buhay ko na gustung-gusto ko, malalim yung kasiyahan ko' | Bandera

Vice super happy sa piling ng asawang si Ion: ‘Ito yung estado ng buhay ko na gustung-gusto ko, malalim yung kasiyahan ko’

Ervin Santiago |July 06,2023
facebook
share this

Vice super happy sa piling ng asawang si Ion: ‘Ito yung estado ng buhay ko na gustung-gusto ko, malalim yung kasiyahan ko’

Ervin Santiago - July 06, 2023 - 07:23 AM

Vice super happy sa piling ng 'asawang' si Ion: 'Ito yung estado ng buhay ko na gustung-gusto ko, malalim yung kasiyahan ko'

Vice Ganda at Ion Perez

SUPER happy and feeling blessed ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa itinatakbo ngayon ng kanyang married life.

Talaga raw ipinagdasal ng TV host-comedian ang estadong kinalalagyan niya ngayon kasama ang kanyang partner, ang model at “It’s Showtime” host na si Ion Perez.

Kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ng komedyante sa kanyang buhay may-asawa kaya naman wala na raw siyang mahihiling pa para sa personal niyang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Masaya naman. Masayang-masaya ako ngayon. Ibang klase yung joy na meron ako ngayon. Kung dati, happy ako, ngayon, joyful,” ang pahayag ni Vice sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Sey pa ng Phenomenal Box-office Star, talagang araw-araw niyang ipinagpapasalamat sa Diyos ang  kaligayahang nararamdaman niya ngayon na matagal ng laman ng kanyang panalanagin.

“Hindi siya superficial, malalim siya. Yung sayang binibitbit mo, hinahanap-hanap mo. Ganu’n siya kalalim. At saka yun yung ipinagdasal ko. Yung nararamdaman ko ngayon.

“At saka ito yung estado ng buhay ko na gustung-gusto ko. Malalim yung kasiyahan ko,” pagbabahagi pa ng TV host.

Baka Bet Mo: Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

Ikinasal sina Vice at Ion noong October 19, 2021 sa The Little Vegas chapel sa Las Vegas, Nevada. Doon sila  nagpalitan sila ng wedding vows sa wikang Filipino.

Inamin naman ni Vice sa nakaraang episode ng “Everybody Sing!” sa ABS-CBN last July 1 kung saan mga engaged couple ang naging contestants, na naduwag siya noon na ibandera sa buong universe ang pagpo-propose ni Ion.

Natakot siyang i-post sa social media ang engagement photos at videos na kuha ng proposal ni Ion.

Sey ni Vice sa isang contestant na engaged na, “Sa inyo, di ba, ang sarap, mayroon kayong mga remembrance, meron kayong pictures, tsaka mga videos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ako, ang una kong nasabi sa mga kasama namin, ‘Burahin niyo yung mga videos,’ kasi ayoko siyang kumalat kasi takot na takot ako.

“’Pag kumalat lang yan, iba-bash lang nila si Ion, iba-bash na naman nila ako, hindi nila i-o-honor yung love.’ Parang nakakainggit kasi ang ganda ng nangyari sa inyo,” sabi ng komedyante.

Patuloy pa niya, “Ang ganda rin sana ng nangyari sa amin kaya lang ang duwag-duwag ko.

“Kaya, buti na lang may kaisa-isang video na natira. Yung isang friend ko, hindi niya pala binura. Nu’ng nagpakasal na kami ni Ion sa (Las) Vegas, sinend niya sa akin pero ayoko pa ring ilabas.

“Kasi sabi ko, ‘Ito yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko, isi-share ko yun sa mundo tapos babastusin nila, kaya akin na lang yun. At least may natitira sa aking magandang memorya,’” aniya pa.

Dugtong pa ng TV host-comedian, “Ang pinakamasuwerte lang na nangyari sa akin, yung fear ko noon, wala na.

“At yung care ko noon sa ibang tao, wala na. Kasi all my care now, lahat ng care ko, na kay Ion na lang at sa nararamdaman namin,” sabi ni Vice.

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ion Perez namigay ng ayuda sa mga kababayan sa Tarlac; may pa-bigas na, may pa-lugaw at libreng gupit pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending