Dion Ignacio na-intimidate kay Rhian Ramos, kinabahan sa mga eksena bilang mag-asawa: 'Sobrang galing at walang kaarte-arte' | Bandera

Dion Ignacio na-intimidate kay Rhian Ramos, kinabahan sa mga eksena bilang mag-asawa: ‘Sobrang galing at walang kaarte-arte’

Ervin Santiago - July 06, 2023 - 07:23 AM

Dion Ignacio na-intimidate kay Rhian Ramos, kinabahan sa mga eksena bilang mag-asawa: 'Sobrang galing at walang kaarte-arte'

Rhian Ramos ất Dion Ignacio

AMINADO ang Kapuso actor at “StarStruck” Avenger na si Dion Ignacio na inatake siya ng matinding nerbiyos  nang malamang makakatrabaho niya uli si Rhian Ramos.

Na-intimidate raw ang aktor sa Kapuso actress nang sumabak sila ni Rhian sa mga una nilang eksena sa Kapuso primetime series na “Royal Blood” na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Gumaganap na mag-asawa sina Dion at Rhian sa nasabing GMA series bilang sina Andrew at Margaret at in fairness, inaabangan din ng mga viewers ang kanilang mga pasabog sa eksena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dion Ignacio (@dion_ignacio)


Kuwento ni Dion, this is the first time na nagtambal sila sa isang serye pero nagkasama na sila noon sa mga anthology series na “Tadhana” at “Maynila.”

Nabanggit din ng aktor na pinangarap din niya na maging leading lady si Rhian, “Noong nag-start siya rati, nakikita ko ‘yung commercials niya parang minsan din si Ms. Rhian noon ay pinangarap ko ring makasama sa trabaho, leading lady. At ngayon ito nangyari na after how many years.”

“Noong una talaga medyo na-intimidate ako nang kaunti, medyo kinakabahan. Pero nu’ng nakatrabaho ko na siya sobrang professional. Sa mga eksena namin natutulungan niya ako para mas mapaganda ‘yung mga scenes,” pag-amin ng aktor.

Baka Bet Mo: Dion Ignacio kay Dingdong: Sobrang proud ako dahil ako ang napili na ka-alternate mo!

Inilarawan pa niya si Rhian bilang “sobrang galing at walang arte” na katrabaho.

“Kapag nasa camera na kami in character talaga, ‘yung Margaret ‘yung nakikita ko. Kaya para sa akin mas nagiging madali ma-build ‘yung character ko na Andrew. Madali para sa isang artista na ‘yung kaeksena mo magaling.”

Para naman kay Rhian, swak na swak si Dion sa karakter nito at nakakahugot talaga siya sa aktor sa mga intense nilang eksena sa “Royal Blood.”

“Acting and being in a scene is really kasi about trust. Mahirap na may kaeksena ka tapos parang feeling mo hindi ka niya sasaluhin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dion Ignacio (@dion_ignacio)


“Mahirap magbigay ng something na biglaan or kung doon mo lang naramdaman o naisip baka hindi siya maka-react, ‘yung ganu’n. I think the most important thing that we work on.

“Kasi ‘yung role namin dito mag-asawa, alam mo ‘yun from friends or acquaintances to mag-asawa is malaking jump so we really work on our trust with each other para nga lumabas at makita na we are a team. Also behind the scenes, we try to be a team,” pagbabahagi pa ni Rhian.

Napapanood ang “Royal Blood” sa GMA Telebabad, 8:50 p.m., sa direksyon ni Dominic Zapata. Kasama rin dito sina Rabiya Mateo, Mikael Daez, Megan Young, Tirso Cruz III at marami pang iba.

Gigi na-intimidate kay Gerald: Nu’ng kaharap ko na siya talagang sinabi ko, ‘Ay, ang guwapo mo naman!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chie Filomeno aminadong na-intimidate kay Ruffa: As in ‘yung first time ko ulit dito tapos…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending