Rhian walang balak pakasal pero nagbago dahil kay Sam Verzosa

Rhian wala talagang planong pakasal pero nagbago dahil kay Sam Verzosa

Reggee Bonoan - March 03, 2025 - 10:15 AM

Rhian wala talagang planong pakasal pero nagbago dahil kay Sam Verzosa

Rhian Ramos at Sam Verzosa

WALA pala sa bokabularyo ni Rhian Ramos ang kasal at sa katunayan ay hindi niya pinangarap na magkaroon ng asawa.

Ito ang nalaman ng ilang members ng entertainment media na dumalo sa launching ng bago niyang travel-lifestyle show na “Where in Manila” na magsisimula na sa Marso 8, Sabado, 11:30 p.m. sa GMA 7 produced ng TV8 Media headed by Vanessa Verzosa.

“The truth is alam n’yo na I actually don’t really have a dream wedding. Iyon ang isang bagay na I’m not thinking about.

“In fact, I never dreamt of being married, it’s really just when I met him (Sam Verzosa) that I became more comfortable sa idea of it, so, ‘yun ang absolute truth,” pagtatapat ni Rhian.

Kaya pala, ‘bahala ka kung saan mo gusto’ ang sagot ng TV host-actress nang tanungin siya ni SV na ang gusto pala ay sa Quiapo Church sila ikasal dahil nga deboto siya ng Poong Nazareno.

Baka Bet Mo: Pagpapa-sexy ni Rhian hindi kinokontra ni Sam Verzosa: Tanggap niya ‘ko

Samantala, inamin din ni Rhian na napag-uusapan na nila ni Sam ang tungkol sa kasal pero wala pang mga detalye kung kailan, sino ang mga sponsors at iba pa.

“Well, I can’t say kung malapit na, but of course we talked about it hindi ko alam kung kailan niya balak because you know, there is an important question that he should ask (proposal).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)


“Hindi pa ako natatanong (ng will you marry me). Oo (handa oras na mag-propose), kasi napag-uusapan naman namin, we fantasize about things, about our future na parang ‘ah sana someday.’  Ganu’n naman na kami mag-usap pero kung kailan ay hindi (pa napag-uusapan),” kuwento ni Rhian.

Marahil kaya hindi pa natatanong ni SV si Rhian ay dahil abala pa ito sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Maynila.

Sa tanong namin kay Sam kung magpo-propose na siya kay Rhian pagkatapos ng eleksyon, “Sana doon tayo papunta dahil gusto rin natin magkaroon ng maayos na pamumuhay kasama ang aking Rhian, ang minamahal na Boo (term of endearment nila ng aktres).

“Siya naman (talaga) ang gusto kong makasama habambuhay, eh. Siya naman ‘yung pinili kong maging partner at hopefully magkaroon na ng chance na mangyari ‘yun,” nakangiting sagot ni SV na tumatakbong mayor sa Manila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Going back to Rhian, excited na siyang mapanood ang “Where in Manila” at gusto na niyang i-share sa mga viewers kung gaano kganda ang lungsod.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending