Pagpapa-sexy ni Rhian hindi kinokontra ni Sam Verzosa: Tanggap niya ‘ko

Rhian Ramos ất Sam Verzosa
WALANG isyu kay Sam Verzosa ang ginagawang pagpapaseksi ng girlfriend niyang si Rhian Ramos sa kanyang mga projects at sa social media.
Tulad na lang ng nag-viral niyang mga litrato sa Instagram kung saan makikita siyang nagbe-bake ng cookies habang nakasuot ng 2-piece bikini.
Talagang pak na pak sa mga netizens ang “cookie” ni Rhian pati kaya naman tinagurian na siya ngayong “sexiest baker” sa Pilipinas.
Sa naganap na media launch para sa bagong lifestyle-travel show ng aktres sa GMA 7, ang “Where in Manila” (pansamantalang papalit sa Dear SV ni Sam Verzosa), natanong si Rhian kung ano ang reaksyon ng kanyang boyfriend sa pagpo-post niya ng sexy photos sa socmed.
Baka Bet Mo: Rhian Ramos, Sam Verzosa totoong naghiwalay pero nagkabalikan din: ‘Mas naging strong pa yung relationship namin’
“Ilang years na rin ako sa showbiz. Feeling ko, kahit paano, nakilala na rin ako ng mga tao. Alam nila ang aking kakulitan, sense of humor, kung ano ‘yung mga trip ko na damit.
“You can see it all naman on my Instagram. Si SV naman ‘yung not the tipo na parang sobrang protective na, ‘Uy, ayaw kong nagsusuot ka ng sexy.’ He really just lets me do what I want and accepts me for the way I am,” ani Rhian.
View this post on Instagram
Sundot na tanong kay Rhian, sa kabilang ng hilig niya sa paglafang at pagiging proud foodie, paano niya name-maintain ang kanyang seksing katawan.
“‘Yung personal na style ko, may oras ang kain ko. Usually I start getting hungry ng 4 p.m. or 5 p.m. Puwede akong kumain until midnight. Kung hindi ako umabot ng midnight, kunwari nakatulog ako, calorie deficit na ‘yun,” paliwanag ng dalaga.
May mga pagkakataon din daw na nakaranas siya ng body shaming dahil sa sobra daw niyang kapayatan, “I’m an emotional eater. If I’m a little stressed, I can eat way more than usual or much less. It’s interconnected sa feelings ko.”
Mariin din niyang dinenay na napakaarte niya sa pagkain. Sa katunayan, isa raw ito sa patutunayan niya sa ilang episodes ng “Where In Manila” kung saan susubukan niyang lumafang ng mga Street food at exotic na mga pagkain.
“Maniwala po kayo, sa totoo lang, hindi naman ako maarte. Magkaiba naman ‘yung sinasabi niyong branding na sosyal sa maarte.
“Ang mga tao sa showbiz, akala mo mukhang glamorous, pero hindi ka talaga puwedeng maarte sa negosyong ito kasi lahat talaga mapupuntahan at mae-experience mo.
“Gagapang, iiyak, at sasampal-sampalin ka sa putik na hindi mo magagawa kung maarte ka. I’m actually very adventurous. I love to experience new things,” aniya pa.
Nagpapasalamat siya kay SV dahil binigyan siya nito ng chance na magkaroon ng sariling lifestyle show, “Actually, na-miss ko ang hosting. I’ve been hosting lifestyle shows sa GMA dati na. Pero, iba ito.
“And I’m glad to have a free hand (sa show). It’s actually another exciting show not only on food, travel and events,” aniya pa.
Napanood na noon si Rhian bilang host ng lifestyle infotainment show ng GTV na “Taste Buddies” at ng interactive reality show na “Pinoy Idol Extra” at “In The Limelight” na isang entertainment news broadcasting show naman.
Mapapanood na ang “When In Manila” sa GMA 7 tuwing Sabado, simula sa Marc 8, 11:30 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.