Gigi na-intimidate kay Gerald: Nu'ng kaharap ko na siya talagang sinabi ko, ‘Ay, ang guwapo mo naman!’ Bandera

Gigi na-intimidate kay Gerald: Nu’ng kaharap ko na siya talagang sinabi ko, ‘Ay, ang guwapo mo naman!’

Ervin Santiago |November 29,2021
share this

Gigi na-intimidate kay Gerald: Nu’ng kaharap ko na siya talagang sinabi ko, ‘Ay, ang guwapo mo naman!’

Ervin Santiago November 29, 2021 - 07:31 AM

Gerald Anderson at Gigi de Lana

NA-INTIMIDATE at inatake ng matinding nerbiyos ang viral Kapamilya singer at biriterang si Gigi de Lana nang unang ma-meet si Gerald Anderson.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Gigi na artista na siya at bibida pa sa iQiyi original series na “Hello, Heart” with Gerald as her leading man.

Aniya, never niyang na-imagine na magiging lead star siya sa isang teleserye after niyang sumali sa “Tawag ng Tanghalan” noong 2016 sa “It’s Showtime.”

“Na-pressure ako kasi first time kong aarte tapos series pa. Lead role agad. Pero very thankful ako kasi blessing ito at saka opportunity siya to learn new things. 

“Ang tawag namin panibagong genre naman. So I’m excited agad at pressured. Yun lang dalawang yun. Excited and pressured,” ani Gigi sa presscon ng “Hello, Heart”.

Paano nga ba siya nag-prepare para sa role niya sa serye bilang Heart? “I did workshops tapos bago yung script reading nanuod ako ng movies. Yung mga movies na pinanuod ko almost the same sa series na Hello, Heart. 

“Kasi para ma-imbibe ko na rin yung character ni Heart. So yun lang yung mga preparations ko tapos binasa ko yung script. Si Heart kasi very outgoing siya at saka parang lahat gagawin niya para sa family niya. 

“Parang wala yata kaming pagkakaiba kasi ganu’n din ako. Si Heart kasi ipinaglalaban niya kasi kung ano yung totoo at saka kung ano yung gusto niya.

“Ako kasi ipinaglalaban ko naman pero kasi pag nailaban ko na yung pinakatodo ko, minsan kasi gi-give up ako. So yun lang siguro yung difference sa amin ni Heart,” paliwanag ng singer-actress.
Aminado naman si Gigi na talagang super na-excite siya nang malamang si Gerald ang makakatambal niya sa kanyang unang teleserye dahil fan daw talaga siya ng aktor.

“Excited ako na kinakabahan. Kasi iniisip ko, paano ba ako aarte eh batikan na siya? Kasi napapanood ko si Gerald sa mga movie. So hindi ko alam kung mai-intimidate ba ako? Inisip ko na lang marami akong matututunan sa taong ito,” pahayag pa ng dalaga.


May ginawa raw siyang strategy para hindi siya masyadong mailang at kabahan sa unang pagkikita nila ng aktor sa taping ng “Hello, Heart.”

“Na-intimidate ako sa kanya. Pero kasi inisip ko, ‘Bakit ba ako mai-intimidate? Ipapakita ko na agad kung sino ako.’ So nu’ng kaharap ko na siya, ‘Ay, ang guwapo mo naman!’ Ganu’n agad. 

“Sinabi ko talaga sa kanya. At saka sobrang excited ko nun kasi finally mami-meet ko na ang one and only Gerald Anderson,” aniya pa.

Available na ang “Hello, Heart” for streaming sa iQiyi simula sa Dec. 15. 

Gigi De Lana inspirasyon ang ina kaya nagsusumikap: Siya na lang po ang mayroon ako

Gerald may payo kay Gigi: Ako ang coach mo

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending