Ice ibinuking ang malakas na paghilik ni Liza: 'Natutuwa ako kasi ibig sabihin, mahimbing ang tulog mo kapag yakap kita' | Bandera

Ice ibinuking ang malakas na paghilik ni Liza: ‘Natutuwa ako kasi ibig sabihin, mahimbing ang tulog mo kapag yakap kita’

Ervin Santiago - June 26, 2023 - 04:54 PM

Ice ibinuking ang malakas na paghilik ni Liza: 'Natutuwa ako kasi ibig sabihin, mahimbing ang tulog mo kapag yakap kita'

Ice Seguerra at Liza Diño

PINUSUAN ng mga netizens pati na ng mga celebrities ang birthday message ng OPM icon na si Ice Seguerra para sa kanyang asawang si Liza Diño.

Kahapon, June 25, nag-celebrate ng kanyang ika-42 kaarawan ang aktres at dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ice ng mahabang mensahe na dedicated sa pinakamamahal niyang asawa kalakip ang kanilang sweet photo together.

Aniya sa caption, “My dearest love…

“A woman of many talents, I am in awe of you.

“Ten years into our relationship, you never fail to surprise me with your smarts, your ability to adapt to what life throws at you,” ang simulang pagbabahagi ng premyadong singer-songwriter.

Para kay Ice, si Liza na raw yata ang may pinakamalaking puso sa lahat ng taong nakilala niya bukod pa sa hindi matatawarang integridad nito.

“Some people may still be surprised by your ability to excel at what you do, but as someone who sees you day in and day out, you deserve all of it and more.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ikaw ang pinakamasipag na taong kilala ko. Ikaw lang yata ang taong kilala kong nagi-guilty dahil, finally, nagkaroon ka ng oras manood ng series sa Netflix. Pinakamasigasig at maabilidad. Pero higit sa lahat, may pinakamalaking puso at puno nang integridad,” papuri pa ng singer sa kanyang wifey.

Pagpapatuloy pa niyang paglalarawan kay Liza, “You inspire people to love and respect themselves more, kasi pinapakita mo sa kanila kung paano mo sila nakikita. You are a great leader, an impactful actress, an inspiration, a fighter, and a great friend (despite your lack of keeping-in-touch skills).

Baka Bet Mo: Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

“You are all these and more. But what I love most about you are the things that make you mine,” sey pa ni Ice.

Pambubuking niya sa asawa, “Gustong gusto ko yung malakas yung hilik mo tapos magigising ka kasi tumulo yung laway mo sa akin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


“Natutuwa ako kasi ibig sabihin nu’n, mahimbing ang tulog mo kapag yakap kita. I don’t mind kapag sa akin mo binubunton yung frustrations mo because you know I’m your safe space.

“Masaya ako na ako yung nagpapatawa sa iyo. Na ako yung hinahanap mo kapag masama yung loob mo at kailangan mo nang mahigpit na yakap.

“Masaya akong naiinis ka sa akin kapag hindi ako makasama sa lakad mo kasi ibig sabihin nu’n, gusto mo akong nandiyan sa tabi mo. Masaya ako, at swerte, na ako yun.

“Medyo mahaba na ata ‘to pero ang gusto ko lang naman sabihin ay masaya akong nabubuhay ka sa mundong ito. Sa mundong nandoon din ako. Sa mundong kung saan kita nakilala, naging kaibigan, at mamahalin habangbuhay.

“Happy birthday, my Liza. Mahal na mahal kita!” ang kabuuang mensahe pa ni Ice para sa pinakamamahal na asawa.

Ivana game pumasok sa PBB: Lahat gagawin ko as a housemate, ayaw kong may special treatment

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni Chito Miranda sa 1st birthday ni Cash: Gusto kong sabihin na ‘wag ka sanang magbabago pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending