Hirit ni Chito Miranda sa 1st birthday ni Cash: Gusto kong sabihin na 'wag ka sanang magbabago pero... | Bandera

Hirit ni Chito Miranda sa 1st birthday ni Cash: Gusto kong sabihin na ‘wag ka sanang magbabago pero…

Ervin Santiago |October 09,2022
facebook
share this

Hirit ni Chito Miranda sa 1st birthday ni Cash: Gusto kong sabihin na ‘wag ka sanang magbabago pero…

Ervin Santiago - October 09, 2022 - 12:31 PM

Hirit ni Chito Miranda sa 1st birthday ni Cash: Gusto kong sabihin na 'wag ka sanang magbabago pero...

Neri Miranda, Chito Miranda at Cash

PINUSUAN at ni-like ng sandamakmak na netizens ang nakaka-touch at nakakaaliw na birthday message ni Chito Miranda para sa anak na si Cash.

Idinaan ng Parokya ni Edgar vocalist ang kanyang mensahe kay Cash sa pamamagitan ng Instagram kalakip ang larawan ng bagets habang kalung-kalong ng nanay nitong si Neri Miranda.

Sa kanyang IG post, ibinandera ni Chito sa buong universe kung gaano niya kamahal ang anak na isang taon na nga ngayon kasabay ng kanyang mga birthday wish.

“Happy Birthday, Cash,” simulang pagbati ng “Idol Philippines” season 2 judge.

“Alam ko hindi mo pa mababasa ito dahil una, wala ka pa namang Instagram, and 2nd, di ka pa naman marunong magbasa…pero gusto ko lang sabihin na mahal na mahal ka namin.

“You put so much joy and happiness sa mga puso ng mga taong nakapaligid sa iyo,” aniya pa.

At kahit daw hindi pa mababasa ni Cash ang mga ipinost niya sa social media, sana’y mabalikan ito ng anak in the near future at maramdaman ng bata ang kanyang unconditional love.

View this post on Instagram

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Gusto ko sana sabihin na wag kang magbabago…pero syempre magbabago ka pa. Di ka pa nga nagsasalita eh.

“Pero sana masiyahin at malusog ka hanggang sa pagtanda (sabihin ko sana hanggang lumaki ka…pero malaki ka na eh),” sabi pa ng OPM icon.

Sa kanya namang IG account, nag-post si Neri ng litrato nila ni Cash at ng ilang inihanda nilang birthday party para sa bagets.

“Excited na akong makita mo yung birthday party na ginawa namin for you kahit di mo naman maaalala yun,” ang caption na inilagay ng actress-entrepreneur sa kanyang IG Stories.

Walong taon nang nagsasama bilang married couple sina Chito at Neri at biniyayaan ng dalawang anak, sina Miggy at Cash. Ikinasal sila sa pamamagitan ng garden wedding sa Tagaytay noong December, 2014.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/324443/neri-miranda-ibinandera-ang-nabiling-condo-para-kay-cash-ito-ang-magiging-unang-negosyo-niya https://bandera.inquirer.net/291142/aljur-pinasok-ang-online-selling-vice-may-banat-sa-mga-bastos https://bandera.inquirer.net/295436/ivana-game-pumasok-sa-pbb-lahat-gagawin-ko-as-a-housemate-ayaw-kong-may-special-treatment https://bandera.inquirer.net/291154/lolit-solis-out-na-bilang-talent-manager-ni-mark-herras-ibinunyag-na-may-malaking-cash-advance-ang-aktor-sa-gma7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending