Lolit Solis out na bilang talent manager ni Mark Herras; ibinunyag na may malaking cash advance sa GMA7 | Bandera

Lolit Solis out na bilang talent manager ni Mark Herras; ibinunyag na may malaking cash advance sa GMA7

Therese Arceo |August 20,2021
facebook
share this

Lolit Solis out na bilang talent manager ni Mark Herras; ibinunyag na may malaking cash advance sa GMA7

Therese Arceo - August 20, 2021 - 02:06 PM


TULUYAN nang bumitiw bilang talent manager ni Mark Herras si Manay Lolit Solis matapos maging kontrobersyal ang dalawa dahil sa pera.

Sa Instagram post nito, kinumpirma niya na simula ngayon ay wala na siyang kinalaman pa sa Kapuso actor.

“Masakit man sa loob ko, naisip ko na baka nga mas gumanda pa ang career niya kung ang GMA Artists Center na lang ang hahawak sa kanya,” saad nito.

Doon naman daw nanggaling ang aktor eversince nagsimula ang career nito.

“Para na rin iyon nakukuha ko na komisyon mula sa kanya hindi na mabawas sa konti niyang kinikita.

“Nakakaawa naman na ang laki ng cash advance niya sa GMA7 na binabayaran niya, tapos meron pa akong parte sa TF niya,” pagpapatuloy nito.

Mananatili pa rin naman ang pagturing nito bilang anak sa aktor ngunit sa ngayon ay ayaw niya nang maging bahagi ng buhay nito.

Hiling naman niya na sana ay matulungan ng mga nagmamalasakit sa aktor na maayos nito ang finances, career, at buhay niya.

“Goodluck, wish you well Mark Herras. You’re on your own now, be happy and safe,” mensahe naman ni Manay sa dating alaga.

Matatandaan na naging mainit na usap-usapan ang dalawa matapos ihayag ng talent manager ang kaniyang saloobin ukol sa pag-utang sa kaniya ng aktor ng pera sa online show nito.

Marami naman ang bumatikos sa talent manager dahil hindi na dapat nito dinala sa social media ang pangungutang nito sa kanya at dapat ay pinag-usapan na lang ito privately.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa na nga rito si RR Enriquez na dinala sa Instagram ang pagdepensa sa aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending