LPA nakapasok na sa bansa, pero maliit ang tsansa na maging bagyo –PAGASA
PATULOY na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Low Pressure Area na pumasok sa ating bansa.
Huli itong namataan 500 kilometers sa Silangan ng Borongan City sa Eastern Samar.
Ayon sa Weather Specialist na si Obet Badrina, “Ito po ay nakapaloob sa tinatawag nating Intertropical Convergence Zone or ITCZ at sa kasalukuyan nga po ay maliit pa rin ang tsansa na ito ay maging bagyo.”
“Mas nakikita po natin ang posibilidad na ito ay unting-unting lalapit sa may silangang bahagi ng bansa,” paliwanag niya.
Ani pa ni Badrina, “Posibleng maging cloud cluster na lamang ito sa mga susunod na araw at asahan nating mga kababayan natin dito sa may Silangang bahagi ng Luzon, partikular na sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon at ilang bahagi rion ng Bicol na medyo magiging maulap ang kalangitan sa mga susunod na araw.”
Pagtitiyak din ng weather bureau na wala nang iba pang sama ng panahon ang inaasahan sa bansa.
“Wala na tayong iba pang binabantayan na Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility,” sey ng weather specialist.
Baka Bet Mo: PAGASA may bagong instrumento upang ma-monitor ang dami ng ulan
Base sa weather bulletin ng PAGASA, wala pa ring epekto sa bansa ang LPA sa may Visayas at ang nagpapaulan pa rin ay ang umiiral na ITCZ.
Dahil diyan, asahan ngayong araw ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Aurora, at Quezon.
Mararanasan naman ang panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Read more:
Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal nang idineklara ng PAGASA
PAGASA: 10 hanggang 14 na bagyo ang aasahan sa bansa ngayong taon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.