MMFF record-breaking ang natanggap na ‘script entries’, Top 4 pipiliin na
DALAWANG buwan matapos ang kauna-unahang summer edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF), nagsisimula namang umarangkada ang 49th edition ng film fest para sa darating na Disyembre.
Sa katunayan nga, nagkaroon ng “record high” ang MMFF kamakailan lang na kung saan ay nakatanggap sila ng pinakamaraming script entries.
Ayon sa inilabas na pahayag, 26 na scripts mula sa 32 production companies ang nagpasa.
Dahil diyan, lubos itong ikinatuwa ni Don Artes, ang concurrent acting chairman ng MMFF at MMDA.
“Thank you to our filmmakers who submitted their script entries and for supporting the 49th MMFF,” saad ni Artes.
Baka Bet Mo: Angelica balak mag-showbiz comeback sa 2024: ‘Ngayon nakapila lang ang scripts, offers sa ‘kin’
Sey pa niya, “I am sure our selection committee will have a hard time choosing among the scripts.”
“But I am also confident that the best among the best will be chosen,” aniya pa.
Ayon sa MMFF, pipiliin ang unang Top 4 base sa mga sumusunod na criteria:
-
Artistic excellence (40%)
-
Commercial appeal (40%)
-
Filipino cultural sensibility (10%)
-
Global appeal (10%)
Habang ang ikalawang set ng Top 4 na bubuo sa Magic 8 official entries ng MMFF ay matutukoy sa September 29.
Sa huli, nanawagan si Artes sa publiko na patuloy na suportahan ang local films, lalo na’t naging parte na ito ng tradisyon ng mga Pilipino tuwing sasapit ang Pasko.
“Let us all watch and support local films and enjoy it with our families and friends this holiday season,” lahad ng MMFF chairman.
Aniya pa, “May we continue to support Filipino films back where it must be enjoyed, in the theaters/movie houses.”
Related Chika:
BTS big winner sa 49th American Music Awards, trending na naman sa socmed
Palabang sexy actor na si Rash Flores ‘nasigawan’ ni Joel Lamangan sa shooting ng ‘Island of Desire’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.