Sey mo Zeinab sa hugot ni Skusta Clee: ‘Hindi ako perfect na karelasyon pero 100% kayang-kaya kong maging tatay sa anak ko’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Bobby Ray Parks, Zeinab Harake, Skusta Clee at Bia
IPINAGTANGGOL ng singer-songwriter at rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee laban sa mga nagsasabing wala siyang kuwentang ama.
Aminado naman si Skusta na hindi talaga siya perpektong boyfriend or partner pero hindi naman daw tama na akusahan siya na walang kuwentang tatay.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, naglabas ang rapper ng saloobin nitong nagdaang Father’s Day, June 18, tungkol sa nasabing isyu.
“Wala kang kwentang tatay,” ang simulang bahagi ng FB post ni Daryl.
“Try n’yo ibigay. Hindi ako perfect na karelasyon I know matagal na! Pero 100% na kayang-kaya kong maging tatay sa anak ko.
“Ayaw lang kasi alam ko paano maging tatay. Pero ayos lang naniniwala ako sa oras,” hirit pa niya na obviously ay patama sa dati niyang karelasyon na si Zeinab Harake at ina ng anak niyang si Bia.
Sandamakmak na reaksyon ang nabasa namin mula sa kanyang FB followers at iba-iba nga ang punto ng mga ito.
“Everything will be alright. Happy Father’s day Daryl Ruiz.”
“Deserve na deserve mo mag habol. That’s the taste of your own medicine.”
“Kung gusto may paraan. Bisitahin mo every month, puntahan mo sa bahay nila lagi, sustentuhan mo ng kusa kahit ayaw tanggapin, ilaban mo, legal actions… Ang dami pwedeng gawin na hindi dapat idinadaan sa social media. May pera ka. Kuha ka attorney. Mahirap magpatawad kapag sobrang nasaktan pero mas mahirap kapag wala kang ginagawa para ma-prove ang sincerity mo towards the child. Mabait ka pa rin naaalala mo ang anak mo. Maraming tumatakbo sa responsibilidad bilang magulang kaya habang maaga pa, do your best para maayos ang relationship mo kay little one.”
“Ang tunay na tatay marunong pahalagahan, respetuhin at mahalin ang nanay ng kanyang anak. The best gift na mabigay mo sa anak mo ay ang COMPLETE FAMILY.”
“Ang tunay na nanay, hindi idadamay ang relasyon ng bata sa tatay sa hidwaan nilang mga magulang.. As long as buhay ang tatay at gustong magpakatatay, karapatan ng bata na kilalanin yon. At kung talaga namang walang kwentang tatay, karapatan naman ng nanay na ilayo ang bata sa tatay. Yan ay kung nauunawaan mo ang punto.”
“Darating din yang time mo kapatid. God is with you!”
“Para sa akin lang naman po, ang pagiging mabuting ama ay nagsisimula sa pagiging mabuting asawa sa ina ng anak mo. Naniniwala kasi ako na kapag ang halaman na nagdala ng bunga ay hindi mo pinahalagahan para mo na din ipinagsawalang bahala ang bunga nito. Kung isa sa magpartner ang magloloko, parang pinagkaitan niyo ng isang pamilya ang anak. Pero ika nga kanya kanyang paniniwala at direksyon yan. Ipagdasal niyo pa rin na sana makasama mo pa rin si Bia in time. The speed of healing depends on the depth of the wound kasi sir. God bless.”
Nauna rito, tila kinumpirma na ni Zeinab ang relasyon nila ng basketball player na si Bobby Ray Parks na tinawag niyang “daddy” at bagong “partner” sa Father’s Day message niya rito.