Pamilya ni Patrick Guzman naglabas na ng official statement sa pagkamatay ng aktor, iki-cremate ang labi sa Ontario, Canada
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Patrick Guzman
SA DARATING na Huwebes, June 22, ay tatanggap na ang pamilya ng yumaong aktor na si Patrick Guzman ng mga kapamilya at kaibigan na gustong makiramay sa kanila sa Ontario, Canada.
Nag-issue na ng official statement ang pamilya ni Patrick hinggil sa biglaang pagpanaw ng Filipino-Canadian actor last June 15 sa edad na 56. Atake sa puso ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Kahapon, June 18, sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng actress-director at acting coach na si Beverly Vergel ang post ng asawa ni Patrick na si Liezle Guzman about her husband’s death.
Mababasa sa kanyang statement, “It is with great sadness that we announce the sudden and unexpected passing of Patrick Guzman on June 15, 2023 in his 56th year.
“Deeply missed by his devoted wife Liezle, and his loving children Aiden, Aerielle, and JAM.
“Patrick is survived by his mother Jesusa, siblings Theresa (Dave), Beuna, Christine (Scott), and Michael. Predeceased by his father Carlos Guzman (1999).
“Patrick will be dearly missed by his many nieces and nephews: Carlos (Jackie), AJ (Emma), Matthew, Taryn, and Lauren; and will be missed by his in-laws, cousins, extended family and friends,” sabi pa sa official statement ng pamilya ni Patrick.
Ayon pa sa pamilya ng yumaong aktor, sa Huwebes bubuksan ang burol sa Ontario, Canada para sa kahat ng nais makiramay. Nakatakda namang i-cremate ang labi ni Patrick sa Sabado, June 24.
“The family will receive family and friends on Thursday, June 22, 2023 and Friday, June 23, 2023 from 2:00pm-4:00pm and 6:00pm-9:00pm.
“A Funeral Mass will be held at Ward Funeral Home, 52 Main Street South, Brampton, at 10:30am on Saturday, June 24, 2023. Cremation to take place.
“Forever in our hearts,” ang nakasaad pa sa statement ng pamilya ng aktor.
Nakilala si Patrick ng publiko nang gawin niya ang Swatch TV commercial at mula noon ay nagsunud-sunod na ang kanyang proyekto sa TV at telebisyon. Bumalik at nanirahan siya sa Canada noong early 2000 at bumuo ng sarili niyang pamilya.