Boobay magbabalik na sa ‘The Boobay and Tekla Show’

Boobay magbabalik na sa ‘The Boobay and Tekla Show’, inaming takot mawalan ng trabaho dahil sa ‘seizure’

Pauline del Rosario - June 17, 2023 - 04:10 PM

Boobay magbabalik na sa ‘The Boobay and Tekla Show’, inaming takot mawalan ng trabaho dahil sa ‘seizure’

PHOTO: Instagram/@boobay7

MATAPOS makakuha ng clearance mula sa kanyang mga doctor, very soon ay back to work na ulit ang comedian-TV host na si Boobay sa kanyang comedy program na “The Boobay and Tekla Show.”

Nakapanayam ng talent manager at kolumnista na si Ogie Diaz ang komedyante at dito niya kinumpirma ang magandang balita.

Ayon pa kay Boobay, totoo ‘yung balita na pinahinto na muna siya sa kanyang show, pero ito ay para makapagpahinga na muna siya.

Pero pansamantala lang talaga kasi sa ilang linggo na lang ay babalik na po ako dahil binigyan ako ng go signal na makabalik sa work,” kwento niya kay Ogie.

Paliwanag niya, “Kasi ‘yun naman ang request nila, kapag mayroon nang letter, may clearance na, go na ulit. Laban na ulit kasi five year na ang ‘The Boobay and Tekla Show’.”

“Iniiwasan lang siguro ng ating mga boss, buong production na mangyari ulit ‘yung hindi inaasahan,” dagdag pa niya.

Kasunod niyan ay nabanggit ni Boobay na may ilang “restrictions” na sa kanya pagdating sa trabaho.

Ilan na riyan ay bawal siya sa matitingkad at masyadong maliwanag na ilaw, pati na rin ang magpuyat at mapagod.

Baka Bet Mo: Marian Rivera nakipag-bonding kay Boobay matapos makaranas ng ‘silent seizure’

“Siguro ‘yung biglang magfa-flash ng ilaw, ‘yun ang pinaka ano [nagti-trigger], pero okay lang din naman basta after per segment pwede akong umalis-alis agad, huwag bababad,” sambit ng komedyante.

Patuloy pa niya, “Tapos kapag dire-diretso ‘yung trabaho na natanggap mo, mga ganyan. Kapag lagari, doon siya nagti-trigger talaga.”

Ibinahagi rin ni Boobay na dahil daw sa kanyang sakit ay marami raw ang nag-aalinlangan na bigyan siya ng gigs at trabaho.

Gayunpaman, sinigurado naman niya na hindi hadlang ang pagkakaroon niya ng “silent seizure” dahil ngayon daw ay pinag-iingatan na niya talaga ang kanyang kalusugan.

“‘Yung iba parang mag-aano na, ‘ay kukunin ko pa ba ‘yan?,’ parang ganun,” chika niya.

“Pero pinapatunayan ko naman na despite ‘yung nangyayari nga na may ganung absence seizure ako because of my mild stroke before na experience, sisiguraduhin ko naman na hindi ko sasayangin ‘yung tiwala na ibibigay nila sa akin na pagkakataon na makapag-perform ulit,” saad ni Boobay.

Saad pa niya, “Masyado rin akong naging sensitive. Pag may show kailangan rest talaga. 100% rest ka para makapagbigay ka ng performance na deserve nila at hindi mangyari ang hindi inaasahan.”

Inamin din ni Boobay na natakot siyang mawalan ng trabaho dahil sa kanyang sakit.

“May fear pero pinapasa-Diyos ko nalang talaga and sabi ko nga, si Lord naman talaga ang may alam kung ano ang dapat, kung ano ang deserve ko at the same time kung alam niyang mayroon pa akong ilalabas, maishe-share,” ani ng TV host-comedian.

Aniya pa, “‘Yun naman kasi ang purpose ko sa life na na-realize ko from God na ang purpose ko is to perform and entertain people. At gagawin ko ‘yun hangga’t kaya ko at hangga’t nabubuhay ako.”

Kung maaalala noong Abril ay nagkaroon ng silent seizure ang komedyante habang live itong ini-interview ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programa na “Fast Talk.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Boobay pinakiusapan ni Boy Abunda matapos makaranas ng silent seizure: ‘If you’re watching, please take care of your health’

Anak ni Karen Davila nakaranas ng full-blown seizure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending