Diego, Luis, Joaquin, Rocco 1st time magdiriwang ng Father’s Day

#TeamTatay: Diego, Luis, Joaquin, Rocco, ilan pang male celebs first time magdiriwang ng Father’s Day bilang ama

Pauline del Rosario |June 15,2023
facebook
share this

#TeamTatay: Diego, Luis, Joaquin, Rocco, ilan pang male celebs first time magdiriwang ng Father’s Day bilang ama

Pauline del Rosario - June 15, 2023 - 06:38 PM

#TeamAma: Diego, Luis, Joaquin, Rocco, ilan pang artista first time magdidiwang ng Father’s Day bilang ama

Diego Loyzaga, Luis Manzano, Joaquin Domagoso, Rocco Nacino

ANG mundo ng showbiz ay hindi lamang tungkol sa kasikatan at tagumpay. 

Dahil sa likod ng mga ilaw at entablado, ang pinakamahalagang papel pa rin sa ilang artista ay ang pagiging ama.

At bilang ipinagdiriwang natin ang Father’s Day ngayong darating na Linggo, June 18, ay bibigyang-pugay natin ang mga artista na first time lang maging tatay.

Ang kanilang kwento ay magpapaalala sa atin na ang pagiging isang magulang ay isang kahanga-hangang hamon at pagkakataon na dapat bigyan ng halaga.

Baka Bet Mo: Celebrity moms proud na ibinandera ang tatay ng mga anak ngayong Father’s Day

Diego Loyzaga

Kamakailan lang, ay naging usap-usapan sa social media ang biglaang balita ng aktor na si Diego Loyzaga na siya ay isa nang ganap na ama.

Sa kanyang Instagram page at ibinahagi niya ang larawan niya habang hawak hawak ang isang baby girl.

Ayon pa sa kanyang caption, “The best birthday gift ever.”

Samantala, wala namang nabanggit ang aktor kung sino ba ang ina ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Luis Manzano

Noong Enero nang ibinandera ng TV host-actor na si Luis Manzano na nanganak na ang misis niya na si Jessy Mendiola.

Masaya niyang ipinakita ang litrato nilang mag-ama at ipinakilala ang first baby nila sa publiko na si Isabella Rose Tawile Manzano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Cong Velasquez

Isang proud first time dad din ang social media personality na si Cong Velasquez o mas kilala bilang Cong TV.

Kung maaalala, nagkaroon pa ng serye ng vlogs ang socmed star kung saan ipinakita niya ang kanyang mga paghahanda kung paano maging ama.

Hulyo ng nakaraang taon nang magkaroon ng “face reveal” ang anak ni Cong TV at Viy Cortez na si Zeus Emmanuel Velasquez o si Baby Kidlat.

Rocco Nacino

Oktubre ng nakaraang taon nang dumating sa buhay ng aktor na si Rocco Nacino ang first baby nila ni Melissa Gohing na si EZ o Ezren Raffaello.

At para matutukan ang kanyang pamilya ay nagpahinga siya nang saglit mula sa showbiz.

Ayon kay Rocco, marami na siyang natutunan sa pagiging hands-on dad at ito ay ibinahagi niya sa kanyang social media.

“Ang isang magandang aral na ibinigay niya sa akin was to experience life by doing it. Nalaman ko kung anong naging calling ko sa buhay,” saad niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

Joaquin Domagoso

Recently lang din ay naging ama na award-winning actor na si Joaquin Domagoso.

Noong Mayo, opisyal nang ipinakilala ni Joaquin sa publiko ang anak na si Scott.

Noong Abril ay bininyagan ang kanyang baby sa St. Michael The Archangel Parish sa Taguig City na sumakto naman sa kanyang first birthday.

Ipinanganak si Scott noong April 29, 2022 pero hindi ito agad isinapubliko nina Joaquin at partner na si Raffa Castro. 

Nabuking lamang ito noong July, 2022 nang kumpirmahin ni Isko sa isang panayam na isa na siyang lolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso)

Smokey Manoloto

Sa kabila ng kanyang edad na 44, ginulat ng actor-comedian na si Smokey Manaloto ang kanyang fans nang ibalita na siya ay daddy na.

Agosto ng nakaraang taon nang isilang ang kanyang anak na si Kiko.

Ngunit nananatili namang tago ang pagkakakilanlan ng kanyang partner marahil ay para na rin sa privacy nito.

Sey pa ni Smokey sa nakaraan niyang social media post, “Sabi nila, wala ka nang pag-asa! Sabi nila, Huli ka na sa biyahe. Akala ko nga huli na. Hindi pa pala. Heto na yung something big na nangyari sa akin!” 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Smokey Manaloto (@smokey_manaloto)

Scottie Thompson

Nitong nakaraang Mayo lamang nang sinalubong ng basketball player na si Scottie Thompson ang healthy baby boy nila ng misis na si Jinky Serrano.

Proud na ibinandera pa nga ng basketbolista ang ilang picture ng tila kakapanganak lang.

Kasabay niyan ay inilarawan niya ang anak bilang “little warrior” at “little angel.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binigyan niya rin ito ng pangalan bilang si Scot Alystair.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scottie Thompson (@scot_thompson6)

Jason Abalos

Malapit na malapit namang maging ama ang aktor na si Jason Abalos.

Sa pamamagitan ng Instagram, proud na ipinakita ng aktor ang sonogram ng kanilang baby ng beauty queen na si Vickie Rushton.

“Cant wait to see you my child :)” sey pa niya sa caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Related Chika:

Julia, 2 pang kapatid may isyu na naman kay Dennis; dedma sa Father’s Day

Ruffa naloka sa sinabi ni Yilmaz nang muling makita ang 2 anak: ‘Wag kang mag-alala next mo silang makikita after 15 years din’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending