Taylor Swift hiwalay na kay Matty Healy

Taylor Swift hiwalay na kay Matty Healy, nali-link ngayon sa NBA player na si Austin Reaves

Pauline del Rosario |June 08,2023
facebook
share this

Taylor Swift hiwalay na kay Matty Healy, nali-link ngayon sa NBA player na si Austin Reaves

Pauline del Rosario - June 08, 2023 - 06:23 PM

Taylor Swift hiwalay na kay Matty Healy, nali-link ngayon sa NBA player na si Austin Reaves

Matty Healy, Taylor Swift, Austin Reaves

HIWALAY na ang international pop star na si Taylor Swift at lead vocalist ng English pop rock band na “The 1975” na si Matty Healy.

‘Yan ay matapos ibunyag noong nakaraang buwan na “dating” ang dalawang singer.

Kung maaalala, masayang ibinalita noon ng British newspaper na The Sun na “madly in love” sa isa’t-isa sina Taylor at Matty.

Ngunit mukhang hindi nag-workout ang kanilang relasyon kaya napagdesisyunan na nilang mag-breakup.

Kinumpirma ‘yan ng American weekly magazine na People sa pamamagitan ng kanilang source at sinabi nito na, “They are no longer romantically involved.”

Baka Bet Mo: Taylor Swift may bagong ka-date, nababalitang ‘madly in love’ kay Matty Healy ng The 1975

Dagadag pa ng nasabing source, “She had fun with him, but it was always casual.”

Samantala, usap-usapan naman ngayon ang bagong nali-link kay Taylor na si Austin Reaves, ang NBA player at shooting guard ng LA Lakers.

Base sa mga ulat mula sa ilang entertainment news platforms sa Amerika, spotted na magkasama sina Taylor at Austin sa isang bar sa Arkansas.

Wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa, ngunit tila itinanggi naman ito ng kapatid ni Austin na si Spencer.

Shinare niya ang isang post patungkol kay TayTay at Austin at pinagtawanan lamang ito.

Sa Tweet ni Spencer, makikita ang ilang crying-while-laughing emojis.

Napa-comment din ang ilang netizens sa nasabing post at ibinunyag na may girlfriend si Austin.

Ibinandera pa ng isang Twitter user ang isang video na kung saan ay sweet na sweet si Austin at ang dyowa nito na si Jenna Barber.

Caption pa ng netizen, “woulda believed this if i didn’t know Austin has had a girlfriend for a while now.”

Related Chika:

Chie Filomeno ipinagluluksa ang pagkamatay ni Matty: Wala nang mangungulit at uutusan akong kunin yung bola niya…

Ellen ayaw nang bonggang kasal: I don’t want to wear a gown, I hate gowns!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending