Taylor Swift ‘madly in love’ kay Matty Healy ng The 1975

Taylor Swift may bagong ka-date, nababalitang ‘madly in love’ kay Matty Healy ng The 1975

Pauline del Rosario |May 05,2023
facebook
share this

Taylor Swift may bagong ka-date, nababalitang ‘madly in love’ kay Matty Healy ng The 1975

Pauline del Rosario - May 05, 2023 - 02:30 PM

Taylor Swift may bagong ka-date, nababalitang ‘madly in love’ kay Matty Healy ng The 1975

Taylor Swift, Matty Healy

MAY kumakalat na bagong love life ang international pop superstar na si Taylor Swift!

Ayon sa isang source ng British newspaper na “The Sun,” nakikipag-date ngayon si Taylor kay Matty Healy, ang lead vocalist ng English pop rock band na “The 1975.”

‘Yan ay ilang buwan matapos maghiwalay ang pop singer at aktor na si Joe Alwyn.

Sinabi pa sa ulat ng newspaper na proud at excited sa kanilang relasyon sina TayTay at Matty.

“She and Matty are madly in love. It’s super-early days, but it feels right,” sey ng insider.

Ibinunyag pa nito na sampung taon na ang nakakaraan nang unang mag-date ang dalawa, ngunit hindi lang ito natuloy.

“They first dated, very briefly, almost ten years ago but timings just didn’t work out,” chika ng source.

Baka Bet Mo: Taylor Swift gagawa ng sariling pelikula, sasabak na rin sa pagiging direktor

Nilinaw din nito na hindi si Matty ang dahilan sa hiwalayang Taylor at Joe dahil noong Pebrero pa nag-break ang dalawa.

Nabanggit pa sa British newspaper na all-out support ang dalawang singer sa kani-kanilang karera, lalo na’t pareho silang abala sa kanilang concert tour.

“Both Matty and Taylor have been touring over the past few weeks, so it’s been a lot of Face-Timing and texting but she cannot wait to see him again,” saad ng source sa dyaryo.

Dagdag pa nito, “They are both massively proud and excited about this relationship and, unlike Taylor’s last one—which was very much kept out of the spotlight, deliberately—she wants to ‘own’ this romance, and not hide it away.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, kakatapos lang mag-concert ni Matty dito sa ating bansa kasama ang kanyang kabanda.

Nagkaroon sila ng “At Their Very Best” concert noong May 3 at 4 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakda silang lumipad papunta sa Nashville, Tennessee sa Amerika ngayong weekend para suportahan naman ang concert ni Taylor na “The Eras Tour.”

As of this writing ay wala pang kumpirmasyon mismo mula sa dalawang music artists tungkol sa tunay nilang love life status.

Kung matatandaan, noong April 9 ay ibinalitang nag-break na si TayTay at Joe matapos ang anim na taong relasyon.

Base sa news magazines na Page Six at People, naging maayos naman ang pahihiwalay ng dalawa.

Taong 2016 nagsimulang mag-date sina Taylor at Joe at matapos ang isang taon ay inamin na nila ang kanilang real score.

Related Chika: 

True ba, Taylor Swift nakipag-date sa ‘Train To Busan’ actor na si Gong Yoo sa Amerika?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake Zyrus nadamay sa “All Too Well” ni Taylor Swift

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending