Diego Loyzaga kumpirmadong tatay na: Best birthday gift ever | Bandera

Diego Loyzaga kumpirmadong tatay na: Best birthday gift ever

Therese Arceo |June 08,2023
facebook
share this

Diego Loyzaga kumpirmadong tatay na: Best birthday gift ever

Therese Arceo - June 08, 2023 - 04:24 PM

Diego Loyzaga kumpirmadong tatay na: Best birthday gift ever

INAMIN na ng aktor na si Diego Loyzaga na isa na siyang ganap na ama.

Sa kanyang Instagram page at ibinahagi niya ang larawan niya habang hawak hawak ang isang sanggol.

“The best birthday gift ever,” maikling caption ni Diego.

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang congratulatory messages sa binata.

Comment ni Dominic Roque, “Congratsss Diego!”

“Love you dawgs! Daddy D,” saad ni Billy Crawford.

Baka Bet Mo: Diego Loyzaga ganap na nga bang ama?

Maging ang kanyang ina na si Teresa Loyzaga ay nagbigay ng suporta sa kanyang anak.

“Yahooooo!! Glam-Ma Lola in the house!!! Mwah! Love u anak @diegoloyzaga! Love you my ‘Pochola’!” sey ng mommy ni Diego.

Mukhang isang baby girl ang anak ng aktor base na rin sa comment ng proud lola kung saan tinawag niya itong “pocholo”.

Kahapon ay nabanggit nga ni Cristy Fermin sa kanyang show na “Cristy Ferminute” na may mga kumakalat na balita ukol sa pagiging ama ni Diego.

Dapat kasi ay kakapanayamin nila ito para sa promotion ng pelikula nito kasama si Julia Barretto na “Will You Be My Ex?”

Ngunit hindi ito natuloy dahil bigla na lang nawala si Diego at hindi na raw makapasok sa kanilang streaming site.

Samantala, wala namang nabanggit ang aktor kung sino ba ang ina ng kanyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Nanay ni Diego nag-react sa mga tsismis kay AJ: May anak o wala, she’s a woman…ako po nanganak, naging single mom

Diego nilinaw ang estado ng relasyon ng mga magulang na sina Cesar at Teresa: Hindi naman sila magkaaway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending