Lolit Solis umalma sa patuloy na pagtirada ng mga ‘bitter person’ kay Paolo Contis: Hayaan naman natin siya makahinga
NAGTATAKA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kung bakit hanggang ngayon ay binabatikos pa rin si Paolo Contis.
Sa kanyang Instagram page ay naglabas ito ng saloobin hinggil sa pamba-bash na natatanggap ng kanyang alaga.
“Naku Salve bakit ba ayaw tigilan ng mga bitter person si Paolo Contis. Tutoo na may mga nagawa siyang pagkakamali sa buhay niya, hindi ba siya puwede bigyan ng 2nd chance?” saad ni Lolit.
Tila nagpahaging pa nga ito at sinabing sa bawat pagkakamali naman ng isang tao ay may parte rin ang partner nito.
“Usually naman pag nagkamali ka, meron din participation iyon partner mo, hindi naman puwede na ikaw lang nagkamali,” sey ni Lolit.
Aniya, ayaw naman daw niyang isipin mg madlang pipol na kinukinsinti niya ang aktor lalo na’t alaga niya ito.
“Ayaw ko isipin na dahil alaga ko si Paolo Contis kunsintidora ako sa mga ginagawa niya. His life is his own, kung ano ang mas magpapaligaya sa kanya, iyon dapat niyang gawin,” sabi pa ni Lolit.
View this post on Instagram
“Maaring may masaktan sa desisyon niya, pero buhay niya iyon. Hindi dapat diktahan dahil kanya iyon.
“Nagtataka ako bakit para bang lahat ng gawin ni Paolo Contis hinahanapan ng mali. Give him a break please,” pakiusap ni Lolit.
Giit pa niya, hayaan daw muna sana ng mga tao na makahinga at ma-enjoy ni Paolo ang kanyang buhay.
“Hayaan naman natin siya makahinga at ma enjoy ang buhay. Unfair naman na diktahan natin siya ng dapat gawin.Kawawa naman siya. His life is how he want to live it, let it be. What makes him happy, good. Huwag na tayo makialam,” sey ni Lolit.
Matatandaang muli na namang umingay ang pangalan ni Paolo matapos isapubliko no LJ Reyes, dating partner ng aktor, ang kanyang engagement sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista.
Related Chika:
Lolit Solis hiling na mabigyan ng chance si Paolo na makita ang anak: Isa siyang responsableng ama
Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.